DENNIS tinuyot nina CRISTINE at JENNYLYN: Mas masaya pag single ka!

AYAW naman daw tumandang binata ng Kapuso leading man na si Dennis Trillo, siyempre mas gusto pa rin niyang magkaroon ng sariling pamilya, ang magkaasawa at magkaanak.

Sayang naman daw kasi kung hindi niya naise-share ang kung anumang meron siya ngayon sa mga taong makakasama niya sa kanyaf pagtanda.

Pero sa ngayon daw, ayaw munang bigyan ng priority ni Dennis ang pakikipagrelasyon, sa dami raw kasi ng trabaho niya ngayon, feeling niya hindi rin niya maisisingit ang lovelife,

“Masaya naman ako ngayon sa mga nangyayari sa akin, and I believe naman na darating din at darating ang tamang panahon para diyan,” sey ni Dennis.

Kamakailan sa album launching ng “TomDen” nina Dennis at Tom Rodriguez under GMA Records, mariin ding sinabi ni Dennis na wala na siyang gustong balikan sa mga naging ex-girlfriend niya, kaya ibig sabihin hindi totoong siya ang dahilan ng pakikipaghiwalay ng dati niyang mga dyowang sina Jennylyn Mercado kay Luis Manzano at Cristine Reyes kay Derek Ramsay.

Hirit pa ng aktor, “Mas masaya pag single ka, pag mahal ka ulit ng mga tao, masaya.” Na ang tinutukoy nga ay ang muling paglaki ng kanyang pangalan dahil sa tagumpay na tinamasa ng serye nila ni Tom na My Husband’s Lover kasama si Carla Abellana.

Feeling namin nagsasabi ng totoo si Dennis dahil iba nga ang aura niya ngayon kesa noong namomroblema siya babae, mas fresh at mas delicious ang itsura niya ngayon, hindi tulad noong kasagsagan ng issue sa kanila nina Jennylyn at Cristine. Ibig sabihin, si Tom ang nakapagpabalik ng kanyang kasariwaan. Ha-hahaha!

Anyway, speaking of Tom, hindi man diretsahang inamin ng aktor na meron na siyang girlfriend, sa tono ng kanyang pagsasalita noong mainterbyu ng media sa launch ng “TomDen” album, meron na nga siyang special someone.

Napakaingat kasi ng Kapuso hunk sa pagsagot sa mga tanong about lovelife. Sa simpleng tanong nga kung anong kanta sa album nila ni Dennis ang  sa mga kinanta niya ang puwede niyang mai-relate sa kanyang personal na buhay?

Sagot ni Tom, “Kasi ako, masaya ako kung ano, kaya yung ‘One More Try,’ hindi rin gagana. Although maingat ako sa pagsabi, wala naman akong dini-deny.

“It’s just something I want to keep personal to myself out of respect. Pero wala naman akong dini-deny. Pero wala rin, kasi halos lahat, puro mga regret at heartbreak songs yung nasa album.

Ako ngayon, happy ako with what’s happening in my life right now—lahat. “Kaya wala ‘atang ano, e… kung may ano man, ‘Forever’ siguro, pero hindi rin pasok lahat ng lyrics, e.

Tsaka, yung ‘Ikaw Ang Sagot,’ iyon. Yun ang song ko para sa taong special sa akin,” chika ni Tom. Well, iyan ang gusto niy kaya wala na tayong magagawa.

Baka nga naman malasin pa ang lovelife niya kapag ibinandera pa niya sa publiko. Samantala, namaster na talaga nina Dennis at Tom ang pagpapakilig sa mga manonood, kahit nga ang members ng entertainmen press ay kinilig habang kinakanta nila ang ilang tracks sa album, siyempre kabilang na ang favorite naming “One MoreTry”.

Ang ilan pang kantang nakapaloob sa album ay ang”Ikaw Ang Sagot,” “Photograph,” at “Hey, It’s Me” ni Tom at ang “Kailanman,” “It’s Over Now,” at “Stay” ni Dennis. Plus ang duet pa nilang “Forever”.

Sey ni Tom, “Ako, pinakapaborito ko talaga yung ‘Forever,’ kasi nagagandahan ako sa areglo. Dahil never kong na-imagine… Nung sinasabi na nila yung concept kasi, yung may ano pa pala, e…

Ayon kay Tom, “Ako, pinakapaborito ko talaga yung ‘Forever,’ kasi nagagandahan ako sa areglo. Sey naman ni Dennis, “Ako naman, gusto ko yung ‘Photograph,’ e, tsaka yung ‘One More Try. Yung ‘One More Try,’ dahil siyempre napakaimportante ng kantang yun para sa amin, dahil tumatak siya dun sa importanteng show talaga na yun,” na ang tinutukoy nga ay ang My Husband’s Lover.

Dagdag niya, “Tapos yung ‘Photograph’ naman, pag naririnig ko yung kanta na yun, parang maraming alaalang bumabalik nung hindi pa ako artista, kaya nagustuhan ko din siya.”

Anyway, umaasa sina Dennis at Tom na magkakasama silang muli sa isang proyekto, napakaganda raw talaga kasi ng nabuong friendship sa pagitan nila dahil sa My Husband’s Lover.

At naniniwala kami na meron nang pinaplanong malaking proyekto ang GMA para sa kanila. Malay n’yo, may book two na pala ang MHL!?

( Photo credit to Google )

Read more...