NIKKI GIL nililito ang mga tao: Singer ba o aktres o TV host?

“What’s wrong with Nikki Gil? She’s a good singer at the same time a good actress, bakit hindi siya masyadong sumisikat? Parang may kulang sa kanya.”

Ito ang tanong ng aming pinsan na taga-Los Angeles, California na laging nanonood ng mga programa ng singer-actress sa ABS-CBN.

Gustung-gusto raw niya kasi ang ex-girlfriend ni Billy Crawford dahil bukod sa maganda ay magaling din daw kumanta’t umarte. Puring-puri nga niya si Nikki sa akting nito noon sa seryeng Apoy Sa Dagat.

Sinabi namin sa kanya na baka nalilito ang tao kay Nikki bilang singer at aktres bukod pa sa pagiging magaling na TV host, bukod pa sa laging kontrabida ang papel niya sa mga serye, kaya paano naman siya sisikat nang husto?

Ang dami-dami niyang ginagawa, pero iba-iba kaya maaatinf naguguluhan din sa kanya ang mga manonood. Kaagad naman niya kaming sinagot ng, “Bakit si Toni (Gonzaga), hindi naman maganda ang boses pero sikat na sikat, at umaarte rin tulad ni Nikki at lagi ring may hosting job?”

Ang pagkakaiba kasi nina Nikki at Toni, nakilala bilang kontrabida si Nikki at masyadong seryoso, kumpara kay Toni na komedyana at parati siyang laman ng mga programa ng ABS-CBN.

Pero naisip nga namin, oo nga, bakit nga ba ang bagal ng usad ng career ni Nikki? Kahit sunud-sunod ang proyekto niya parang wala namang masyadong tumatatak talaga sa mga tao.

Ngayon nasa Primetime Bida series siya na Maria Mercedes siya, at kasama rin siya sa ASAP tuwing Linggo. E, baka hindi kasing sipag ng fans nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang fans ni Nikki, kung papansinin n’yo kasi segu-segundo ay naka-post sa social media ang ginagawa nina Daniel at Kathryn na mismong mga supporters nila ang naglalagay.

Hindi namin sinasabi na kaunti lang ang fans ni Nikki, pero malaki siguro ang maitutulong kung magiging masipag din ang fans niya sa pagpo-post sa social media ng mga pinaggagagawa niya.

Tingnan n’yo rin ang mga fans ni Angel, active na active rin sila sa pagtulong sa aktres para mas maraming makaalam ng mga nangyayari sa buhay ay career ni Angel Tama ba bossing Ervin?

( Photo credit to Google )

Read more...