Summer tip para sa kababaihan: Wag nang mag-panty kapag nasa bahay lang

Summer tip para sa kababaihan: Wag nang mag-panty kapag nasa bahay lang

KUNG nasa bahay lang naman, pwede nang hindi na magsuot ng panty ngayong summer para mas presko at laging fresh ang pakiramdam.

Iyan ang isa sa mga payo ni dating Department of Health (DOH) Secretary at ngayo’y Iloilo 1st District Rep. at House Deputy Majority Leader Janette Garin sa kababaihan.

Talaga naman kasing napakatindi ng init ng panahon ngayong summer season kaya kailangang triple ang gawing pag-iingat ng bawat isa sa atin para makaiwas sa iba’t ibang klase ng sakit.

Ayon kay Garin, mas okay kung huwag nang magsuot ng panty o underwear kapag nasa loob lang ng bahay.

“Lalo na sa tag-init, wala lang malisya no, pero kung nasa bahay ka lang naman or matutulog, it’s quite advisable na walang underwear pero naka-pajama ka naman or naka-shorts,” ayon kay Garin sa isang mediacon kahapon, April 1.

Baka Bet Mo: Paano labanan ang 6 na sakit na usung-uso ngayong summer season?

 

Sey pa ng kongresista, mas makabubuting walang suot na undies ang mga babae para mahanginan ang sensitive parts ng mga babae at maiwasan ang iba’t ibang uri ng fungal infection.

Ngunit ipinagdiinan naman ni Garin na hindi naman daw ito sexually transmitted disease o STD kaya walang dapat ikatakot o ikapraning ang mga girls. Ang mga fungal infection faw ay dulot ng sobrang pamamawis dahil sa grabeng init.

“Kapag medyo basa, napapawisan, at medyo mainit ‘yung panahon, eh ‘yan ay perfect petri dish para dumami ‘yung ating fungi, kaya siya nagiging makati,” esplika ni Garin.

Ang payo ng kongersista, kapag nakaramdam na ng kati sa singit, huwag na huwag daw itong kakamutin para hindi na kumalat at lumala pa ang fungi.

Gumamit ng mga gamot para sa fungal infection. Kailangan ding laging tuyo ang private parts.

Narito ang ilan sa mga pwede n’yong gawin para maibsan ang nararamdamang init ngayong summer season.

*Siyempre, unang-una uminom lagi ng tubig kahit hindi nauuhaw para maiwasan ang dehydration. Bawasan din ang pag-inom ng kape, tea o mga drinks na nagtataglang ng caffeine na maaaring makapagpabawas ng tubig sa katawan.

* Buksan ang mga bintana sa bahay tuwing hapon at gabi para pumasok ang sariwang hangin.

*Iwasan muna ang lumafang ng maiinit na sabaw o ulam tuwing tanghali lalo na kung tirik na tirik pa ang araw. I-try n’yong kumain ng malalamig na prutas, gulay, o salad upang mapanatiling malamig ang katawan.

*Chill, chill lang! Maging cool lang sa lahat ng bagay para mapanatili ang malamig na temperatura ng katawan. Hangga’t keribels, iwasan munang magalit nang bonggang-bongga.

*Kung hindi naman kailangan, huwag na munang maglalabas ng bahay lalo na tuwing tanghali hanggang hapon kung kailan sobra-sobrang init.

“Kung hindi maiiwasan at kailangan talagang lumabas, pumili ng OOTD na maaaring panlaban sa init like caps or hats at shades. Ugaliin ding magpahid ng sunscreen. Magsuot din ng maluluwang na damit para presko sa pakiramdam.

Read more...