“NILAGLAG” ng Kapuso actress-TV host na si Faith Da Silva ang isa mga kaibigan niya sa showbiz at kasamahan niya sa bagong launch na Sparkle 10.
Pinangalanan talaga ni Faith kung sino sa mga kagrupo niya ang sexy pero parang “kargador” naman kung lumafang bang bonggang-bongga.
“Kung sa sexy, ang pinaka-fit para sa akin si Angel (Guardian),” ang pahayag ni Faith sa interview sa kanya ng “Updated with Nelson Canlas” podcast.
Kuwento ng TictoClock host, matagal na silang friends ni Angel at naloloka nga raw siya sa dalaga dahil hindi ito tumataba o lumolobo kahit na napakalakas kumain.
“Noong time na ‘yun medyo malaki pa ako, tapos palagi akong nagtatanong sa kanya na, ‘Anong ginagawa mong diet? Anong kinakain mo?’
Baka Bet Mo: Faith Da Silva nakita ang sarili sa ama; lumikha ng ‘imaginary father’
“Kasi sa totoo lang, parang kargador talagang kumain si Angel! Sorry for the term!” ang super laugh na pambubuking ni Faith sa kaibigan na makakasama rin niya sa “Encantadia Chronicles: Sang’res”.
“I love you Angel, I love you. Alam naman niya ‘yan. Pero kasi si Angel kung kumain, kanin! Hindi ko alam pero kanin, dalawa, kaya niya tatlo!” ang natatawa pang chika ni Faith.
Feeling ng actress-TV host, mabilis ang metabolism ni Angel kaya kahit anong dami ng kainin niya ay never siyang tumaba na isa sa mga kinaiinggitan ng maraming katrabaho ng aktres.
Kamakailan, kasama nga sina Faith at Angel sa sexy Kapuso ladies na bumubuo ng “Sparkle 10” na bumandera sa mga billboard at social media posts ng GMA 7.
Ka-join nila sa grupo sina Ashley Ortega, Elle Villanueva, Kate Valdez, Lexi Gonzales, Lianne Valentin, Liezel Lopez, Rabiya Mateo at Shuvee Etrata.