SINUWERTE ang actress-model na si Wilma Doesnt nang dahil sa pagtitinda ng kanilang homemade suka.
Nagsimula ang pagbebenta ng pamilya ng komedyana noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic na siyang naging daan para makapag-ipon at makapagpatayo ng kanyang dream business.
Inilarawan ni Wilma ang kanyang negosyo bilang isang “five-star karinderya” na tinawag niyang “Chicks ni Otit.” Katuwang niya rito ang asawang si Gerick Parin.
Sa panayam ni Karen Davila kay Wilma na napapanood sa kanyang YouTube channel ay ibinandera nga ng aktres ang matagumpay nilang homemade vinegar na ang recipe ay mula pa sa kanyang nanay.
Baka Bet Mo: Wilma ginamit ang sarili sa negosyo: Nangangalampag ako!
“Ang laki ng kinita ko du’n. Du’n ako ‘yumaman. ‘Yung suka na ‘yun formula ng nanay ko sa bahay namin, personal.
“So ‘yun ang ginagamit namin sa restaurant until ‘yung mga tao nagtatanong, ‘Pwede po bang makahingi ng extra suka, iuuwi sa bahay?
“So ilalagay mo sa plastic ng yelo until sabi ko, ‘Teka ibote na natin ‘to.’ Naghanap talaga ako ng sexy na bottle kasi suka ‘yung ibebenta ko para may attitude siya.
“Surprisingly du’n na nag-start ang savings. Sa suka kami nag-umpisa,” pagbabahagi ng isa sa cast members ng hit Kapuso series na “Abot-Kamay Na Pangarap.”
“‘Yung iba kasi pinapa-resell ko. May nag-o-order ng 100 bottles, may nag-o-order 50 bottles, pinapa-resell ko.
Baka Bet Mo: Heart Evangelista feeling baby girl, ipinag-shopping ng ama
“So, kumbaga kung ang binebenta ko sa restaurant ko ay 100, pag kumuha ka sa akin ng marami, 80 pesos na lang. Hati na tayo sa kita para at least ‘yung suka ko move nang move,” kuwento niya.
At dahil nga sa napakasarap nilang suka, napalaki ni Wilma at ng kanyang pamilya ang restaurant business nila sa Cavite. At makalipas ang ilang taon, nakapagpatayo na rin sila ng isa pang branch sa Tagaytay.
“Ngayon na umaasenso, sine-share ko rin. Ako din dahil sa tulong ng mga staff ko, tinutulungan ko rin sila, so benefits ako, above minimum (ang binibigay ko) kasi mas pagod sila dito.
“At may raket sila sa loob ng restaurant ko. ‘Pag nakabenta ka ng suka I will give you 10 pesos. ‘Pag nakabenta ka ng tuna panga I will give you 50 pesos.
“May incentive sila para looking forward sila to work tapos natututo sila na mag-push ng product ko,” pagbabahagi pa ni Wilma.