Nadine Lustre naging insecure noon sa pagiging morena

Nadine Lustre naging insecure noon sa pagiging morena

NAGING bukas ang award-winning actress na si Nadine Lustre ukol sa kanyang insecurity noong siya ay bata pa.

Sa inilabas na episode ng “One Down” ay isa-isang niyang ibinahagi ang kanyang “hot takes” ukol sa Filipino beauty standard, mental health, at environment issues.

“Darker skin is not beautiful,” ito ang unang nabunot ni Nadine.

Aniya, hindi siya naniniwala sa kasabihang ito.

Baka Bet Mo: Nadine Lustre nabihag ang puso ni Park Min-Kyu: ‘She’s really beautiful’

“I think when I was about 13, people would say that I was too dark. When I would go to auditions, where they would only cast girls who are mestiza, or have lighter skin, it became an insecurity of mine,” pagbabahagi ni Nadine.

Pagpapatuloy pa niya, “I really went through, like, the whole thing where you do gluta. You use like, whitening soap, you scrub calamansi on your body, or lemon.”

Habang lumalaki nga raw siya ay mas natutunan na niyang mahalin ang sarili.

“As I grew up, I learned to just love the skin that I’m in, and to just appreciate the beauty that I have,”sey ni Nadine.

Kuwento pa niya, nang bumisita raw siya sa France ay marami ang naka-appreciate ng kanyang kulay.

“People really liked my skin color. They would always say that ‘D*mn, I wish I could get your tan’. People just don’t like what they have,” sabi pa ni Nadine.

Read more...