MABABAWASAN ng isang miyembro ang indie rock band na Lola Amour.
Hihiwalay na kasi sa grupo ang bassist na si Raymond King upang tuparin ang kanyang “long-term plans.”
Naglabas ng official statement si Raymond na ibinandera mismo sa Facebook page ng banda at dito niya ipinaliwanag ang kanyang paglisan sa banda makalipas ang walong taon.
“Hey! This is Ray. There’s no easy way to say this, so here goes. I’ve made the decision to leave Lola Amour,” anunsyo ng bassist.
Kwento niya, “The band was just a hobby when we were starting out. So, we’ve always had other long-term plans for ourselves.”
Baka Bet Mo: Coldplay, Lola Amour nag-‘jamming’ sa concert, kinanta ang ‘Raining in Manila’
“And while I’m proud of everything we’ve achieved, my plans stayed the same. Sadly, the band isn’t part of it,” sey pa niya.
Kasunod niyan ay lubos niyang pinasalamatan ang banda at inalala ang mga naging achievements nila na sama-samang inabot.
“After 8 years of giving everything I could, I’ve realized that success, fulfillment, and happiness are different things. Now, I choose to be happy,” sambit niya.
Aniya pa, “We’ve reached more than I could have ever dreamed of and I couldn’t think of anyone else I would have done it with.”
Sa caption naman ng post, tiniyak ng banda na susuportahan nila si Ray sa panibagong journey nito.
“You are a huuuuge reason why we are here where we are today. You know we’re not a cheesy bunch, but saying that ‘we’ll miss you’ is an understatement,” lahad ng grupo.
May last gig pa ang Lola Amour kasama si Ray kung saan ay magkakaroon sila ng album concert sa darating na April 13.
Ang papalit kay Raymond bilang bassist ay ang musician na si Manu Dumayas.
Ang Lola Amour ang nasa likod ng hit songs na “Raining in Manila,” “Fallen” at “…Pwede Ba.”
Kamakailan lang, naka-jamming nila ang Coldplay nang mag-concert ito sa Bulacan.