NAGTAPOS bilang Top 4 Finalist si Marina Summers sa “RuPaul’s Drag Race: UK vs The World” season 2!
Ang huling performance ng pambato ng Pilipinas ay ang Lip Sync battle na umere ngayong March 30 (Manila time).
Nakalaban diyan ni Marina ang contestant mula Australia na si Hannah Conda at ang itinanghal nila ay ang kantang “I’m Outta Love” by Anastacia.
Si Hannah ang nanalo sa nasabing segment kaya nagtapos bilang Top 4 finalist si Marina.
“Marina Summers, I’m sorry, my dear, but this is not your time,” sey ni RuPaul.
Baka Bet Mo: Marina Summers bet na bet si Maymay! Yung Amakabogera pambakla talaga siya
Mensahe pa niya sa Pinoy candidate, “Thank you for an amazing season. You are and will always be a global phenomenon.”
Lubos namang nagpasalamat si Marina sa binansagang Queen of Drag, pati na rin sa mga Pilipino na sumuporta sa kanyang journey.
“Ru, thank you so much for inviting this little Filipina to your big show. I am forever grateful and my lines are open for another call,” sambit niya.
Ani pa niya, “But, honestly, I know I made a lot of Filipinos across the globe proud and thank you for giving me this opportunity. I’ll always and forever be your Filipino winner.”
Pagkatapos lumabas ang resulta ng kompetisyon, nag-post din ang Pinoy drag queen sa kanyang X (dating Twitter) account.
Sey niya, “Maraming salamat (thank you so much), world. We fought hard on this one.”
Maraming salamat, world 🌎 We fought hard on this one ✊🏽🇵🇭
— Marina Summers (@marinaxsummers) March 29, 2024
Sa pamamagitan naman ng Instagram, sinabi ni Marina na “magical” ang naging journey niya sa Drag Race UK.
“I think I’ve seen this film before… We might have not liked my ending, but I had the best time with my lovely @dragraceukbbc girls! I am so so so damn honored to be part of this amazing show!” caption niya, kalakip ang ilang pictures na pine-plex ang kanyang “Red Carpet Eleganza” look na ibinandera sa finale ng kompetisyon.
Baka Bet Mo: Marina Summers nakuha ang 2nd win sa Drag Race: ‘You’re born to do drag!’
Dagdag pa niya, “Philippines, Asia, World, thank you so much for giving this little Filipina a BIG chance to win your hearts.”
“This was such a magical run for me and I couldn’t be any more prouder! I will always and forever be your Filipina Winnah,” ani pa sa madamdamin niyang mensahe.
Si Marina ang kauna-unahang drag queen na talagang naging vocal at proud na proud sa pagrepresenta ng ating bansa na nag-compete sa international edition ng hit reality competition na “Drag Race.”
Ilan lamang sa mga naunang Pinay drag performers na sumali sa international franchise ay sina Manila Luzon, Jiggly Caliente, Vivenne Pinay, Rock M. Sakura, at marami pang iba.
Para sa mga hindi aware, siya ang nanalong first runner-up sa “Drag Race Philippines” season 1 na umere noong 2022.
Samantala, ang drag performer mula United Kingdom (UK) ang kinoronahan sa second season ng “RuPaul’s Drag Race: UK vs. the World.”