3 araw magdidilim ang mundo fake news, pero may solar eclipse –PAGASA

3 araw magdidilim ang mundo fake news, pero may solar eclipse –PAGASA

INQUIRER file photo

HINDI totoong makakaranas ng “three days of darkness” ang mundo.

Ito ang nilinaw mismo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) matapos kumalat ang naturang fake news dahil umano sa pagdaan ng tinatawag na “Photon Belts” simula April 8.

Ayon sa weather bureau, walang scientific evidence ang magpapatunay sa balitang ito.

“The news circulating on the internet about the Earth experiencing three (3) days of darkness due to its passage through Photon Belts on April 8, 2024, is a hoax,” giit ng PAGASA.

Paliwanag ng ahensya, “There is no scientific evidence to support its existence, and its origins are unclear.”

Baka Bet Mo: QC nagdeklara ng ‘pertussis’ outbreak, dumami na ang nahawa sa Pasig

“Astronomers have not observed any evidence of a band of high-energy photons surrounding the Milky Way galaxy. It is said that when the Earth passes through this belt, it triggers various transformative effects, both physical and spiritual. However, there is no scientific proof to support this theory,” dagdag pa.

Kasunod niyan, nabanggit ng PAGASA na magkakaroon ng total solar eclipse sa darating na April 8.

Ngunit hindi raw ito makikita sa Pilipinas at may mga lugar ang pansamantalang matatakpan ng kadiliman dahil sa pagdaan ng buwan sa harap ng araw.

“However, a total solar eclipse will occur on April 8, 2024, dubbed the Great North American Eclipse, but it will not be visible in the Philippines,” sey sa pahayag ng ahensya.

Patuloy pa, “The totality of the solar eclipse will be visible in a narrow strip on the Pacific Ocean passing 200 nm north of the Marquesas Islands and later in North America, beginning at the Pacific Coast, then ascending in a northeasterly direction through Mexico, the United States, and Canada, before ending in the Atlantic Ocean.”

Ani pa ng weather bureau, “During a total eclipse, some areas in the mentioned places will experience temporary darkness caused by the Moon passing in front of the Sun.”

Read more...