TODO flex at proud na proud si Chito Miranda sa improvement ng kanyang katawan matapos talikuran ang bisyo sa pagyoyosi at pag-inom ng alak.
Sa isang Instagram post, ibinandera ni Chito ang before and after photos niya.
Sa “before” picture, agaw-pansin ang malaki niyang beer belly.
Habang pagdating sa “after” na litrato, makikita na malaki ang pinagbago ng singer at talagang halata ang pagiging fit at healthy niya.
“Gym muna bago mag-gig,” caption niya sa post.
Baka Bet Mo: Bakit muntik nang ‘sapakin’ ni Chito si Mickey habang nasa Disney?
Paliwanag ng bokalista ng Parokya ni Edgar, “Medyo labas pa rin yung ribs ko sa dibdib, pero at least dahan-dahan nang nawawala ‘yung tiyan ko.”
“Alam ko po na madami pa akong bigas na kakainin (which is funny kasi hindi naman na ako nagra-rice), pero proud ako sa progress ko, at masaya ako now with how I look, and more importantly, with how I feel,” dagdag pa niya.
Maliban sa kanyang katawan, masaya ring ibinalita ni Chito na naging normal na ang kanyang cholesterol, blood sugar, uric acid at blood pressure.
“Para sa isang 48-year-old dude na dating malakas magyosi at uminom, na nagsimula mag-rakenrol lifestyle at the age of 12, I think that is something worth flexing,” proud na wika niya sa IG.
Sa comment section, marami ang bumilib at na-inspire sa fitness journey ni Chito.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin:
“[fire emojis] Madaming mga 40+ year-olds ang mainspire sa inyo sir! Isa na ko dyan!”
“Yes sir, we’re at that age. Need to take care of our bodies to delay aging [strong emoji] keep it up!”
“Wow. So proud of you, Kuya Chito! Cheers ng pineapple juice to a healthy living. Lol.”
“Looking good sir! Good health para mas matagal makasama mga babies [red heart, sparkling emojis]”