RAMDAM na ramdam ang pangungulila at patuloy na pagluluksa ni Sunshine Dizon sa yumaong ama na si Isagani Bengson Dizon, Jr..
Inalala at ginunita ng aktres ang first death anniversary ng kanyang tatay na pumanaw noong March, 2023.
Sa pamamagitan ng Instagram, muling binigyan ng tribute ni Sunshine ang ama kasabay ng pag-amin na sobrang miss na miss na kanyang pamilya ang kanilang padre de pamilya.
Ibinahagi ng seasoned actress ang litrato ni G. Isagani kasama ang mga anak nito at mga apo.
“1 year, 12 months, 365 days, 8,760 hours, 31,536,000 seconds but just a second and you’re gone,” ang simulang bahagi ng caption ng aktres.
Baka Bet Mo: Sunshine Dizon nagluluksa sa pagkamatay ng ama: I will always be Papa’s girl
Grabe raw ang nararamdamang pangungulila ni Sunshine sa ama pero nangako naman siya na ita-try niyang maging matapang para sa kanilang pamilya.
“But a lifetime of longing and wishing for another minute or just a second to hold you, hug you tight, see you smile or just (please God) hear my Papa say, ‘Kamusta na maganda kong anak.’
“It has been hard but it’s extra hard today Papa just the thought of stepping out the door scares me but I’m trying my best, I promise I’m going to get over this,” pahayag pa ng aktres.
Dugtong pa ni Shine, “I prepared the candle, flowers, and pictures. I hope you like it. Please watch over me, siblings, and your apos. Also, Kiss Lola Ched for me.
Baka Bet Mo: Sharon sunud-sunod ang pagluluksa; Nadine nagpaalam kay Deo Endrinal
“My only solace is that you’re not in pain anymore and you can eat whatever you want now. I love you Papa no goodbyes just see you soon ok,” sabi pa niya.
Bumuhos naman ang mensahe ng pakikiramay at pakikisimpatya kay Shine mula sa mga netizens na nangako pang patuloy na ipagdarasal ang kanyang tatay pati na ang kanilang pamilya.
“Your papa will be your best angel miss sunshine be strong lang po.”
“Sending you the tightest of hugs, Shine.”
“Prayers for his soul. may he rest in peace. stay strong dear sunshine. mahigpit na yakap.”
“He’s one of your guardian angels now Ms shine.”