Lenka binanatan ng netizens, dapat raw magpasalamat kay Shaira

Lenka binanatan ng netizens, dapat raw magpasalamat kay Shaira

Shaira Moro at Lenka

KINUKUYOG ng mga netizens ngayon ang Australian singer at songwriter na si Lenka dahil sa copyright issue sa pagitan nila ng Queen of Bangsamoro Pop na si Shaira Moro.

Sa kanyang mga Instagram posts ay makikita ang iba’t ibang mga negatibong komento ng mga fans matapos i-take down ang kanta ni Shaira sa streaming apps dahil sa pagkakapareho nito sa kantang “Trouble Is A Friend”.

May ilan pa na nagsasabing hindi naman faw inangkin ni Shaira ang kanta kay Lenka at dapat raw ay magpasalamat pa ito dahil muling nakilala ang kanta niya.

Sey ng isang netizen, “Hi you should be thankful to shaira because your song is trending now.

Pagpapatuloy pa niya, “Tbh i don’t even know that you are singer.”

Ang naturang komento ay umani ng samu’t saring rekasyon mula sa iba pang netizens.

Sey nila, nakakahiya raw ang netizen kay Lenka dahil hindi ito aware kung ano ang intellectual property.

Baka Bet Mo: ‘Selos’ ni Shaira Moro tinanggal sa streaming apps matapos ireklamo

“Do you have any idea what intellectual property means? Lenka is only protecting what is hers. It’s not about being ungrateful. That’s it,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “if someone steals your belonging and became popular because of the robbery, would you say thank you to the thief?”

“no need. [heart emoji] shaira should thank her bcz of lenka’s music, she is trending. tell shaira to make her own music,” hirit naman ng isa.

Samantala, naglabas naman ng pahayag si Shaira na huwag nang i-bash si Lenka.

“Nais ko lamang po makiusap sa lahat ng tumatangkilik at sumusuporta sa akin na nakapag kumento o nakapagsalita ng di maganda at di naaangkop laban kay Idol Lenka na kung maaari lamang ay tigilan na po natin ang pagtuligsa o pambabash sa kanya.

“Naiintindihan ko po ang sentiments nyo dahil sa pag take down ng kantang “Selos”, at nagpapasalamat po ako dahil kahit papano ay nandyan kayo na nagnanais na ipagtanggol ako.

“Subalit nais ko din pong ipaalam na naging maayos ang approach sa amin ng kampo ni Lenka, Mabuti at maayos silang kausap. At nakikita namin na ginagawa lamang nila kung ano yung tama at naaayon sa batas.

“Sana po ay matigil na ang mga pambabash or pag spread ng hate speech laban sa kanila bagkus ay ipakita po natin na tayo ay Peace Loving Citizen,” sey ni Shaira.

Read more...