Paghuhubad ni JESSY nag-trending sa Twitter

GUMAWA ng ingay online kagabi ang Pinay Maria Mercedes na si Jessy Mendiola matapos itong mag-trend worldwide sa social networking site na Twitter dahil sa mapangahas nitong pagsuot ng seksing swimsuit sa isa sa mga eksena niya sa patok na Mexicanovela remake.

Palangoy na sa pool ang kanyang karakter bilang Mercedes ng tinanggal nito ang kanyang pang-itaas at pang-ibabang saplot para isambulat ang mapang-akit na puting one-piece bathing suit na nagtatago sa ilalim nito.

Agad na bumuhos ang mga komento ng netizens sa Twitter at binigyang papuri ang napakagandang hubog ng aktres. Talaga namang malakas ang suporta ng fans sa programa online lalo pa’t gabi gabing nagte-trend ang hashtag na #MariaMercedes nationwide.

Patuloy ding tinatalo gabi gabi ng primetime serye ang kalabang programa pagdating sa national TV ratings. Bukod sa seksing katawan ni Jessy, mas iinit pa talaga ang kwento ng Maria Mercedes sa pagkukrus muli ng landas nina Mercedes at Santiago (Ariel Rivera).

Ano nga ba ang magiging papel ni Santiago sa buhay ni Mercedes? Paano nito maapektuhan ang pagsasama nila ni Luis na pamangkin ni Santiago? May laban pa kaya si Clavio (Jason Abalos) sa puso ni Mercedes pagbalik nito galing abroad?

Huwag palalampasin ang tamis at pait ng buhay at pag-ibig ni Maria Mercedes weeknights pagkatapos ng Got to Believe sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

( Photo credit to Google )

Read more...