Cool-off mun

Sulat mula kay Tina ng Barangay Banadero, Ozamiz City
Dear Sir Greenfield,
Nagpasya kaming huwag munang magkibuan ng aking boyfriend dahil hindi na kami magkasundo at tila tumitindi na ang away.  Cool-ff muna kami para hindi na lumala ang alitan, bagaman masama ang loob ko sa ganitong kapasyahan.  Wala akong nagawa sa cool-off dahil ito ang gusto niya. Ang tanong ko, magkakabalikan pa ba kami dahil mahigit tatlong buwan na siyang hindi tumatawag at hindi man lang nagte-text  sa akin? Pinalitan na kaya niya ako at meron na ba siyang bagong babae? Mahal na mahal ko kasi ang boyfriend kong ito sa dahilang may nangyari na sa amin.  Babalik pa kaya siya upang muling mabuo ang aming relasyon? May 10, 1991 ang birthday ko at January 12, 1989 ang birthday ng boyfriend ko.
Umaasa,
Tina ng Barangay
Banadero, Ozamiz City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Isa lang ang Marriage Line (Illustration 1. Arrow 1.) sa kaliwa at kanan mong palad, na ngangahulugang kung sino ang unang boyfriend mo, malaki ang posibilidad na siya na rin ang huling magiging BF hanggang sa tuluyang mapangasawa at makasama habambuhay.
Cartomancy:
Jack of Clubs, Five of Hearts at Nine of Hearts  (Illustration 1.) ang lumabas. Ang mga baraha ang nagsasabing malaki pa ang pag-asang magkakabalikan kayo ng boyfriend mo kung ikaw ang unang gagawa ng paraan upang kayo ay magkaroon uli ng kumuniskayon. Kunsabagay, ito rin naman ang nais sabihin ng Five of Hearts at Nine of Hearts, sa buwan ding ito kusa at muling mabubuo ang relasyon ninyo.
Itutuloy….

Read more...