JOEY inokray ang SHOWTIME, binalahura ng madlang pipol


For making parinig daw sa Eat Bulaga ay binabatikos ngayon si Joey de Leon.Hindi namin napanood ang episode kung saan nagparinig daw si Joey na baka gayahin uli ng It’s Showtime ang bago nilang segment na “That’s My Tambay”.

Apparently, nag-ugat ang pasaring ni Joey when the noontime show of ABS-CBN had a segment titled “That’s My Tomboy” which was a big hit sa audience.

Since Eat Bulaga also had a segment called “That’s My Boy”, ang feeling yata ni Joey ay ginaya ito ng kalaban nilang noontime show.

Kung sinabi man ‘yun ni Joey, malamang na ito ay in the context of a joke. Alam naman nating lahat na joke is Joey’s flimsy excuse when confronted sa kanyang pinagsasabi sa ere.

Nai-insecure na ba ang Eat Bulaga sa tinatamasang tagumpay ng Showtime na pumapalo na sa ratings ngayon? We don’t think so. How can an institution show like Eat Bulaga feel insecure when there was not a time in its more than 30 years of existence na nawala sila sa ere at pinalitan ng ibang programa.

Come to think of it, hindi pa ipinapanganak ang show na tatalo sa EB. Dream on, ABS, anyway it’s free naman. Pero we admit na very innovative ang noontime show ng Dos at talagang ginagastusan nila ang kanilang production numbers.

Bongga ang “Magpasikat Ka” portion nila and nowhere it can be duplicated by Eat Bulaga. Anyway, here’s some of the anti-Joey rants which we sourced from an entertainment blogsite on Facebook.

“Itong si joey lang naman madalas d makatangap ng pagkatalo. Sa showtime kahit sino manunuod never ngsalita ng masama sila sa eb minsan ngkakamali ung madlang pipol ngpapasalamat sa eb.

Pero d sila nagagalit bagkos tinawanan at binabati nila ang mga dabarkads. Pero si joey lahat ng shows na katapat nila madalas sinisiraan niya.”

“Honest to promise! Nagdadala lang sa EB ay si Jose at Ryzza wala sila dko alam san pupulutin ang EB sobrang dami nila pero halos ung iba kulang nalang matulog sa studio kasi wala ng ginagawa.

Parang habang tumatagal pinapasa nila ang trabaho kina Ryzza at Jose para maisalba ang show. “Same strategy ginagawa ni Joey kahit noon paman walang ng bago.

Dapat jan dina pinapatulan at pinagdarasal nalang at ng maliwanagan ang utak talangka niyang pag-iisip.” “Kailan man sa showtime d sila nagsasalita against eb. Sa showtime never ngiisip makipagkompentsya.

Sa kanila basta enjoy lang ang show. At mismong sila pagbagot segment sila sila ngaasaran. Sinasabi nila sa contestant na mahal kuryente. Kaya mas madaling mahalin kasi natural lang sila.”

Pero ayaw magpatalo ng isa Joey fan who commented, “Naku! Khit ano sabihin nyo. original at #1 parin ang EB. Wag kayo mag-ilusyon na EB pa ang pangongopya..cno ba ang mas naunang noontime show?dba ang EB!

Cno ba unang nagconcept ng mga thats contest na yan..dba,EB parin! “Cno ba ang gingaya at pilit gustong sundan ang yapak ng tanyag na noontime show? dba EB parin!!!

“Ngayon, sira ulo lang makapagsasabi na ang EB pa ang gagaya sa Showtime na hanggang ngayon umaasang maging #1! Kht ano pa sabihin nila.. lahat ng CONCEPT na meron ang showtime ngayon ay inspired nila ang mga dati pang contest na meron ang EB.

“Kaya wag nyo ng itaas maxado ang Showtime nyo. baka lumagapak agad! I-wish nyo na lng umabot kht 1dekada man lang. khit 1/4 lng ng tinagal ng #EBforever.”

( Photo credit to Google )

Read more...