Top 5 Mga Kwentong Marc Logan aariba sa TV5; Janice humirit sa presscon

Top 5 Mga Kwentong Marc Logan aariba sa TV5; Janice humirit sa presscon

Janice de Belen, Pierre Paul Buhay, Guido Zaballero, Marc Logan, at Luchi Valdes-Cruz

KASAMA na ang kilalang broadcaster na si Marc Logan sa hanay ng mga talento ng TV5 matapos pumirma ng kontrata na dinaluhan ng top executives ng network.

Ang kilalang “Pambansang Pantanggal ng Umay” ay mapapanood na sa TV5 simula April 6 sa kanyang show na, “Top 5 Mga Kwentong Marc Logan.”

Kilala sa kanyang natatanging klaseng pagpapatawa, pangako ni Marc Logan na maghatid ng isang programang magbibigay aliw at magtatanggal ng stress mula sa araw-araw na pagsubok ng buhay.

Baka Bet Mo: Rendon Labador binasag ng content creator na si Jack Logan dahil sa motivational rice: ‘Mali ang manukat ka ng tao dahil lang sa pesteng kanin mo’

Sa “Top 5 Mga Kwentong Marc Logan,” tampok ang mga kakaibang kwento ng mga tao, lugar at pangyayari hatid ng katatawanan, aliw, at kakaibang pagkuwento ni Marc Logan sa mas malawak na audience na abot ng TV5.


Bukod sa featured na top 5 stories, may tatlong special segments din ang ipapakita tulad ng “Taba ng U-Talk Naisip mo pa yun?” kung saan tampok ang sense of humor ng mga Pinoy, “ManOpet!” para sa mga tao o pets na may extraordinary talents, at “Pakitalk-kitalk” kung saan makikita ang mga viral videos sa social media kada linggo.

Bilang isang batikang broadcaster at host, alam ni Marc Logan kung paano makuha ang atensyon ng mga manonood at panatilihin ang kanilang interes.

Anuman ang kanyang ginagawang panayam sa mga celebrity guests, pagsasaliksik ng kakaibang balita, o nakakatawang skits, asahan ang maraming tawanan at masasayang sandali sa bawat pagtatanghal ni Marc Logan.

Humanda na para sa mga nakakatawang kuwento sa “Top 5 Mga Kwentong Marc Logan” simula April 6 sa TV5.

* * *

Siyempre, tuwang-tuwa si Janice de Belen nang mapasama sa cast ng Pinoy version ng matagumpay na K-drama series na “What’s Wrong With Secretary Kim”.

Baka Bet Mo: Belle Mariano ipinagtanggol ni Jack Logan: ‘Maganda ka…wag mong intindihin yung feeling perfect na mukhang inarmirol na kokomban’

Bilang isang K-drama fan, extra special para sa aktres ang maging bahagi ng nasabing project na pinagbibidahan nina Kim Chiu at Paulo Avelino.

Sa naganap na mediacon ng “WWWSK” mula sa Dreamscape Entertainment last Saturday, inamin ni Janice na talagang nawindang siya nang ialok sa kanya ang serye.


“Siyempre na-excite ako, but I remember saying this during the story conference, ang lungkot ko lang akala ko ako si ‘Secretary Kim.’ Hindi pala, mali pala ako,sayang!” natawang biro ng aktres.

Happy din siya na muling makatrabaho sina Kim at Paulo, “I’ve worked with them already before, so this time is no different.

“In fact, hindi ko nga sila masyado nakikita, hindi ganun kadalas magkita, but you know, working with them is always a pleasure,” aniya.

Napapanood na ngayon ang “What’s Wrong With Secretary Kim” sa Viu Philippines.

Read more...