Sam Verzosa buwis-buhay na sinabayan si ‘Mamang Sorbetero’ sa karagatan

Sam Verzosa buwis-buhay na sinabayan si 'Mamang Sorbetero' sa karagatan

Randy Rosales at Sam Verzosa

SINAMAHAN ni Sam “SV” Verzosa si Tatay Randy Rosales, na mas kilala bilang “mamang sorbetero sa dagat,” upang magbenta ng ice cream sa mga turista sa Matabungkay, Batangas.

Si Tatay Randy, isang 41-anyos na lokal mula sa Lian, Batangas, ay nagbibigay-saya sa mga turista ng beach sa loob ng halos isang dekada gamit ang kanyang natatanging paraan ng pagbebenta ng sorbetes.

Ano ang nagpapaiba sa kanya? Siya ay lumalangoy araw-araw sa karagatan upang makarating sa mga snorkeling spots sa Matabungkay Beach.

Baka Bet Mo: Randy Santiago pangarap makasama uli sa pelikula si Maricel; miss na miss na ang yumaong anak

Gamit ang isang styrofoam box, buwis-buhay na hinaharap ni Tatay Randy ang mga alon, umulan man o umaraw, lumalangoy ng malayo, makabenta lang ng ice cream at makapag-uwi ng kita para sa pamilya.


Dahil sa dedikasyon at sipag ni Tatay Randy, buwis-buhay ding hinarap ni SV ang kanyang takot sa paglangoy sa dagat, masamahan lang si Tatay Randy sa pagbebenta ng ice cream.

“Grabe ang bilib ko kay Tatay Randy. Isipin niyo araw-araw ka lalangoy sa dagat para lang makabenta ng ice cream sa mga turista, nilalagay mo sa peligro ang sarili mong buhay,” ayon kay SV.

Ang motibasyon ni Tatay Randy para sa kanyang araw-araw na pakikipagsapalaran sa dagat ay ang kanyang kagustuhang kumita, pang-suporta sa araw-araw na gastusin ng kanyang pamilya at pantustos sa edukasyon ng kanyang mga anak.

Dahil sa inspirasyong dala ni Tatay Randy, nagbigay si SV ng tulong – isang Pangkabuhayan package, isang Grocery package, school supplies para sa kanyang mga anak, at isang bangkang de motor na makakatulong kay Tatay Randy sa kanyang negosyo at pangingisda.

Panoorin ang episode na ito ng Dear SV sa Youtube.

Para naman sa mga eksklusibong content, i-follow kami sa TikTok at Instagram.

Read more...