Anak ni Jericho na si Santino nirereto kay Kathryn: Parang bagay sila!

Anak ni Jericho na si Santino nirereto kay Kathryn: Parang bagay sila!

Santino Rosales, Jericho Rosales at Kathryn Bernardo

MARAMING na-touch at nakaramdam ng tila “kurot” sa puso nang mabasa ang makagbagbag-damdaming mensahe ni Jericho Rosales para sa kanyang anak.

Pinusuan ng fans ni Echo at ng mga netizens ang Instagram post ng Kapamilya actor patungkol sa nag-iisa niyang anak na si Santino na isang model at football player.

Ibinahagi ni Jericho ang ilang litrato nila ni Santino together sa IG na may caption na, “Saint. My compass. My rock. Voice of truth. Tropa. Kaagaw ko sa steak. Love you, pogs.”

Dugtong pa niya, “I’m having a soft day. Take it or leave it. @santino_rosales (white and black hearts emoji).”

Baka Bet Mo: KC umaming certified Sharonian: I am her biggest fan, ang galing lang talaga niya!

In fairness, napakaraming na-good vibes sa naging mensahe ni Jericho kay Santino at halos lahat ay nagsasabing parang magkapatid lang ang dalawa.

Parang hindi rin daw tumatanda si Echo dahil pareho pa rin ang itsura niya ngayon sa aura niya 20 years ago. Kaya naman ang hirit ng mga netizens, “Bampira rin yarn!?”

Narito ang ilan sa mga reaksyon ng IG users sa comments section ng photo ng mag-ama.

“Gwapito.. like father like son,”

“Parang mag kapatid lang.”


“Hala grabeeee!! Kala ko kapatid or pamangkin mo.may lahi ka po yata nag vampire eh hindi ka po tumatanda.”

“It’s the soft day for me…parent things.”

“Ang pogi ng anak pero mas bet ko yung tatay @jerichorosalesofficial.”

“Kamukha nya yung Korean sa marry my husband.”

Baka Bet Mo: Claudine aprub sa boyfriend ng anak na si Sabina

“Bakit parang gusto ko si santino for kathryn. bagay sila….pero gusto ko magkamovie si echo and kath.”

“Dun pa din Ako sa tatay hahaha.”

Last December, 2023 nag-celebrate si Santino ng kanyang 23rd birthday. Nag-post siya sa Instagram ng photo na may caption na, “My 22nd year on earth has been nothing short of amazing. I consider it as my foundation year.

I’ve faced a lot of challenges, but with this, I was able to learn to humble myself, welcome growth, and see problems as opportunities.

“I am extremely grateful for all the blessings I’ve received and for the love and support of my family and those around me. I look forward to what my ‘Jordan year’ has to offer. Here’s to being 23,” aniya pa.

Commented naman ni Echo, “I  love you, baby Yoda. Always so proud of you.”

Si Santino ay anak ni Jericho sa dati niyang karelasyon na si Kai Palomares.

Read more...