Sa isang panahong may giyera-mundial na namamagitan sa mag-inang Mommy Inday Barretto at Gretchen ay sinamantala naman ni Claudine ang pagkakataon.
Bakit nga naman, may butas nang makagaganda para sa kanya, sasayangin pa ba naman niya ang pagkakataong ‘yun?
Habang nagngangatngatan na parang hindi magnanay sina Mommy Inday at Gretchen ay nag-post naman ng mensahe si Claudine sa kanyang Facebook account na naglalaman kung paano niya pinasasalamatan ang presensiya ng kanyang mga magulang sa buhay niya.
Binanggit pa niya ang pangalan ng kanyang mga kapatid, pero wala sa pag-iisa-isa niya sina Gretchen, Marjorie at Jay-Jay, sa kanyang pasasalamat ay nangungurot pa rin si Claudine.
Kailangang gamitin ni Claudine ang pagkakataong ito dahil maraming nagkokomentong walang respeto sa kanilang mga magulang si Gretchen, sukat ba namang sabihin ni Gretchen na mamatay man ang kanyang ina ay hindi nito sisilipin man lang ang bangkay ni Mommy Inday, kaninong puso naman ang hindi maaawa sa kanilang mommy sa ganu’ng rebelasyon?
Naisip siguro ni Claudine, habang nagagalit ang mas nakararami nating kababayan kay Gretchen ay magpo-post naman siya ng ma salita ng pasasalamat at pagmamahal kina Daddy Mike at Mommy Inday, siguradong panalo siya sa ganu’ng atake!
Sa seryosong punto ay dati na namang malapit si Claudine sa kanyang mga magulang, palibhasa’y bunso, natural lang na mahal na mahal din siya nina Daddy Mike at Mommy Inday.
‘Yun ang dahilan kung bakit kapag nalalagay sa alanganing sitwasyon si Claudine ay palaging nandiyan lang ang kanyang daddy at mommy para sumuporta sa kanya, sa mga pangangailangan ng kanyang mga magulang ay bukas ang mga palad ni Claudine, ganu’n kasarap ang kanilang pagmamahalan.
Kung demonyo ang tingin ni Mommy Inday kay Gretchen ay anghel naman sa lupa kung ituring ni Mommy Inday Barretto ang kanyang bunso. Ganu’n nga ba ‘yun?
( Photo credit to Google )