CHARICE galanteng ‘BF’, milyones ang ginagastos para kay ALYSSA

NAKATABI namin ang partner ni Charice na si Alyssa Quijano habang nagla-lunch after ng presscon ng “One Voice” benefit concert  sa Resorts World on Nov. 5.

Very accommodating naman siya and she shared to us some personal matters tungkol sa kanila ni Charice. Una na riyan ang kung paano nagsimula ang “love story” nila ni Charice.

Sabi niya, bata pa lang ay magkaibigan na sila. Nagkakasama na raw sila ng madalas dahil pagsali-sali sa mga singing contests. Noon pa raw ay close na sila at may communication hanggang sa maging international singer na si Charice.

Nag-i-Skype raw sila nu’ng aminin sa kanya ni Charice na tomboy siya. Kasunod nito ang pagtatapat ni Charice ng damdamin niya kay Alyssa. Pero hindi raw agad sinagot ni Alyssa si Charice sa Skype.

Nag-isip daw muna siya ng maigi hanggang sa bumalik ng Pinas si Cha, tawag ni Alyssa sa international singer. Bata pa lang daw sila ay may pagtingin na sa kanya si Charice, tsika sa kanya ng inaanak ni Oprah Winfrey.

Pero wala raw lakas ng loob si Charice dahil ang dami pang gumugulo sa isip niya. At noong nagtapat sa kanya si Charice, siya naman ang gumulo ang isip.

Taga-Caloocan si Alyssa at may dalawang nakatatandang kapatid na lalaki. Nagtatrabaho raw sa Abu Dhabi ang isa niyang kuya habang ‘yung isa ay tinatapos ang kurso na Mechanical Engineer dito sa Pinas.

Sa Abu Dhabi nagtatrabaho ang kanyang ama bilang med tech. This is the reason kung bakit med tech din ang kinuhang kurso ni Alyssa. Natigil daw siyang mag-aral at ngayon ay plano niyang ipagpatuloy.

Sinabi na raw niya ang plano niya kay Charice. Gusto raw ni Alyssa na makatapos ng kurso para na rin sa kanyang ama na halos hindi niya nakita nu’ng lumalaki dahil sa pagtatrabaho sa ibang bansa.

Ayaw mag-comment ni Alyssa kung approve ba o hindi sa mga magulang niya ang relasyon nila ni Charice. “Kasi tahimik na rin naman po sila. So, parang, kung anuman po ‘yung, siyempre I wanna keep it private.

Pero syempre, noong una po hindi talaga,” lahad niya. Hindi pa raw nakakadalaw sa pamilya niya si Charice, “Last time na nagpunta Papa ko sa tinutuluyan ko, nagkita po sila (ni Charice) doon.

Bumati naman po si Cha. At least, getting better po,” ngiti niya. Magkakilala naman daw noon ang Papa niya at si Charice. Kaya okey naman daw nu’ng nagkita ang dalawang mahal niya sa tinutuluyan niyang bahay.

“Parang nag-catch up lang po sila nu’ng magkita sila sa tinutuluyan ko,” sambit niya.

After their anniversary kung saan nag-celebrate sila sa Bohol, susunod naman ang birthday ni Alyssa. She’ll turn 21 sa Nov. 10. Same year daw sila ipinanganak ni Charice pero May 10 ang birthday ng international singer.

“Wala po kaming plano. Mahilig po kasing mang-surprise si Cha,” sey niya. “But as of now po, katatapos lang din po namin mag-unwind, so, ngayon trabaho ulit.

Eto nga po, para pong trabaho niya is makatulong  sa mga taong mahihirap ngayon. Nu’ng kasagsagan ng malaking isyu sa kanila ni Charice may mga lumalabas na balitang milyun-milyong piso ang inilabas na pera ng international singer.

Kaakibat ng balita ang tsismis na binilhan siya ng mamahaling gamit ni Charice pati na ang isang BMW car. “Naku! Ayoko na lang po magsalita. Syempre, I wanna keep silent sa ganyang issue,” iwas ng singer.

May mga nagwo-worry tuloy for Charice na baka naubos na ang kinita nitong pera. Na-curious tuloy kaming malaman kung pinapaalam kaya ni Charice kay Alyssa kung magkano pa ang natitirang savings niya.

“Of course, lagi po akong nandito para tulungan din siya. Na ganyan nga po, mag-ipon, kasi syempre in the future kumbaga…ayun po.”

Malaki pa ba ang savings ni Charice ngayon? “Naku po! Ayoko na pong magsalita tungkol doon pero, siyempre, hindi naman, kilala ko po si Charice. Matalino siya. So, alam niya po ang ginagawa niya.

Plus, alam niya kung ano ang gagawin niya in the future. Tsaka, like this nga po, nagtatrabaho naman po siya, nagwo-work hard po siya.”

Feeling proud naman si Alyssa sa mga same sex na nagpapakasal sa ibang bansa, “Kasi may mga taong tumatanggap na sa ganoon ngayon sa generation namin. Kung ano po, nakakatuwa, nandito lang kami to support them.”

At siyempre, tinanong na namin siya kung magpapakasal din ba sila ni Charice. “Marami nga pong nag-iisyu ng ganoon, ‘no? Syempre, siguro in the future kasi pareho naman naming sinasabi at pareho naman kaming open na sinasabi sa media na nakikita namin ‘yung isa’t-isa sa future.

“Pero siyempre, in the future pa naman po ‘yun. Medyo matagal pa kasi bata pa naman po kami. Sa age naming ‘to, kumbaga, napakabata pa po namin for that. But, we’ll see po kung anong mangyayari,” kinikilig niyang sabi.

( Photo credit to Google )

Read more...