NAPATUNAYANG “guilty” o may pagkakasala sa kasong sexual misconduct ang sikat na “Squid Game” actor na si O Yeong-su.
Kinumpirma ito mismo ng local court noong March 15 matapos siyang sampahan ng reklamo kaugnay sa pananakit niya sa isang babae noong 2017.
Base sa report ng Suwon District Court, naganap ang insidente nang manatili ang aktor sa isang rural area para sa isang theater performance.
Baka Bet Mo: Isko 2 members ng ‘That’s Entertainment’ ang naging dyowa, sino kaya sila?
Ang aktor ay sinentensiyahan ng walong buwang pagkakulong at sinuspinde ng dalawang taon sa entertainment industry, ayon sa desisyon ng korte.
Maliban pa riyan ay inutusan din siya na kumpletuhin ang 40 hours ng sexual violence classes.
Ayon sa judge na si Jeong Yeon, consistent at matibay ang mga hinaing pruweba ng biktima laban sa Korean actor.
“Consistent…and appear to be statements that cannot be made without actually experiencing them,” sey ng hukuman.
Samantala, noong 2022 nang gumawa ng kasaysayan si Yeong-su bilang kauna-unahang South Korean na nagwagi ng “Best Supporting Actor” sa Golden Globe Awards.
Ito ay dahil sa magaling niyang pagganap sa mega-hit Netflix series na “Squid Game.”