Sunshine 7 years nang kinakarir ang pagbo-boxing, may pinaghahandaan ba?

Sunshine 7 years nang kinakarir ang pagbo-boxing, may pinaghahandaan ba?

PHOTO: Instagram/@sunshinecruz718

“GUYS, hindi po ako lalaban.”

‘Yan ang sagot ng aktres at celebrity mom na si Sunshine Cruz sa maraming nagtatanong kung bakit kailangan niyang sumabak sa matinding boxing training.

Ang hindi alam ng netizens, ito ang sikreto niya upang mapanatili ang sexy niyang katawan.

Ayon pa nga sa aktres, pitong taon na niya itong ginagawa at super enjoy siya sa ganitong klaseng workout.

“I’ve been asked several times sa comment section kung may pinaghahandaan daw ba ako. Haha! [grimacing face emoji,” caption niya sa IG kalakip ang isang video habang siya ay nagbo-boxing kasama ang trainer.

“Guys, hindi po ako magbo-boxing o lalaban [face with peaking eye, smiling face with open hands emojis] This is part of my workout routine since 2017(century tuna ageless days pa),” paliwanag niya.

Baka Bet Mo: Sunshine Cruz nagpasabog ng kaseksihan, ibinandera ang bikini pictures noong 1999

Ani pa niya, “This is just my kind of cardio. Sobrang enjoy ako dito [boxing glove emoji]”

Kasunod niyan ay nagbigay siya ng payo para sa mga kababaihan na maghanap ng exercise o workout na pwede nilang ma-enjoy to stay fit and healthy.

“One thing I advise other moms/ladies is to find an exercise that they will enjoy. May it be zumba, running, weightlifting, pilates, etc. Basta dapat looking forward tayo sa workout natin at hindi tayo natatakot,” wika ni Sunshine.

Mensahe pa niya, “Stay healthy everyone!! [red heart emojis]”

Sa comment section, mababasa na napakomento ang kanyang pinsan na aktor na si Rodjun Cruz, “Kaya always fit & sexy! Galing te [happy face with heart eyes emoji].”

Nag-react din ang maraming fans na inihayag ang kanilang pagkabilib sa celebrity mom.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“Please maintain your feminine o babaeng babae form. Keep shining Sunshine. You are stunning! [fire emojis]”

“Gorgeous and sexy as always [smiling face with heart eyes emoji] and that form and snap punch… perfect Miss Shine”

“Good combos [emoji] boxing an excellent whole body workout [like emoji]”

“Wowww that’s no wonder your so sexy”

“Wow! Inspiring [clapping hands emoji]”

Read more...