“IKAW na talaga!”
‘Yan ang naging reaksyon ng maraming netizens matapos ibandera ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang kanyang recent fashion event sa Seoul, South Korea.
Paano ba naman kasi, na-meet niya at nakapagpa-picture pa siya sa mga paborito nating sikat na K-Pop stars!
Kabilang na riyan ang Korean personalities na sina BLACKPINK Lisa, SEVENTEEN Mingyu, at ENHYPEN members na sina Jungwon at Ni-ki.
Bukod sa kanila, nakasama rin ng Pinay beauty queen ang Japanese model na si Hikari Mori, Thai actor-musician na si Mile Phakphum Romsaithing, Singaporean actress na si Fiona Xie, at Singaporean actor na si Ayden Sng.
May picture din sila ng Pinay actress na si Nadine Lustre.
Baka Bet Mo: Heart Evangelista na-meet si Lee Min-ho sa Thailand, fans inggit na inggit
Sa Instagram, inamin ni Pia na kinilg siya that time, pero hindi niya ito pinahalata.
“Came out to play with @bulgari to celebrate #BulgariStudio, got to meet some amazing people, and reconnected with some old friends too [laughing emoji],” caption niya.
Ani pa niya, “Trying to keep my cool pero kilig na kilig din ako (but it’s giving me butterflies too)! [smiling face with hearts emoji]”
Sa comment section, mababasa na maraming fans ang napa-wow at napa-sana all sa post ni Pia.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin:
“OMG Mingyu and Lisa! You’re so pretty Queen P, you inspire me a lot [red heart emoji].”
“PIA X LISA X MINGYU [fire emoji] That’s too much Queen P!!! If I were you I’d faint.”
“WOW LISA AND PIA IN ONE FRAME [crying, fire emojis]”
“Parang ikaw ang owner ng Bvlgari! [white heart emoji]”
“What a night indeed!!!!!LISA AND ANYMA IN THE HOUSE? WHUTTT?????? [crying, sparkle emojis]”
Magugunita na nitong buwan lang din nang magkita si Pia at ang binansagang Pambansang Krung Krung na si Sandara Park sa Paris fashion Week.
Sa katunayan, na-feature pa nga si Sandara sa mini vlog ni Pia na uploaded sa kanyang Instagram page.
“Who doesn’t fan girl over Dara?!? We all love @krungy21,” saad ni Pia sa post.