PAGKATAPOS ng kick-off ceremony ng Barako Festival 2024 na ginanap sa Lipa City, Batangas na pinangunahan dating congresswoman na si Vilma Santos-Recto kasama ang anak na si Ryan Christian Santos Recto nitong Huwebes, Marso 14, ay humarap naman sila sa media na dumalo para matanong tungkol sa showbiz.
Unang tanong kay Ate Vi na ngayong nag-resign na bilang hepe ng Film Academy of the Philippines o FDCP si Ginoong Tirso Cruz lll ay halimbawang alukin siya ay kung posibleng tanggapin niya ang posisyon.
Diretsong sagot ni Vilma, “Modesty aside, they were asking me to lead the Film Academy of the Philippines. And then na mention mo na rin ang FDCP (Film Development Council of the Philippines). Wala na rin si Pipo. Pero kasi when it comes to showbiz, isa na akong private citizen.
“After my movie ‘When I Met You in Tokyo,’ ang naging advocacy ko ngayon is maibalik ang mga tao sa sinehan. Namatay yun eh lalo na nag-pandemic. Namatay ang mga sine talaga. So yun ang naging advocacy namin noong ginawa namin ang ‘When I Met You In Tokyo.’ Maibalik lang ang mga tao sa sinehan.”
Chika pa ni Ate Vi, sa tagal na niya sa industriya, advocacy na niya ang ibalik rito kung anuman ang kanyang natamasa.
“Sa tinagal, tagal ko rin sa industry, naging nanay ako ng Lipa, naging nanay ako ng Batangas, naging representative ng Lungsod ng Lipa, parang ang advocacy ko ngayon is payback time.
“If there’s anything I can do to be of help, even in show business, nandito ako palagi. Hindi ko man tinanggap ang director ng Film Academy, andito ako para sumuporta sa kanila. Tawagan lang nila ako,” sey ni Ate Vi.
Hayan maliwanag, pribagong mamayan muna ang gusto ni ate Vi sa buhay niya at dahil maganda ang feedback ng pelikula niya sa nakaraang Metro Manila Film Festival ay natanong kung tuloy-tuloy na ba ang paggawa niya ng pelikula.
“Ang dami ko ngayon na script sa bahay ngayon. Modesty aside again. Maraming offers pero hindi ko naman kaya gawin lahat. I’m taking my time.
“Gagawa na lang ako ng pelikula a gusto ko. A movie that will challenge me again. Pero kung tulad ng dati hindi na muna. Thirty-five years old na po ako (biro niya).
“Gusto ko naman ngayon ay ma-enjoy ang sarili ko, my family, my apo. So meron din ako mga time para doon. So time management lang. Hindi ako nagmamadali,” pahayag nito.
Dagdag pa, “I’m happy because I’m here in Batangas, my home. At nakita ko yung pamilya ko mula sa mga mayor. Siguro para tumagal ako ng 24 years sa public service, I must have done something good. Minahal naman ako ng Batangas at ito ang mga taong unang nakasama ko. That’s why kahit na medyo nakakapagod physically, nandito ako for them.”
Samantala, tinanong si cong Vilma kung may offer ang Mentorque Productions na nag-produce ng Mallari ni Piolo Pascual at kasalukuyang palabas ito sa ibang bansa.
“May dalawa siyang sinasabi sa akin. So nagre-review ako ngayon. He’s very good and I wish him good luck.”
Nabanggit din kahit na naglilingkod ang Mentorque producer sa asawang si Sec Ralph Recto ay hindi pinakikialaman ni ate Vi ang mga proyekto nito at natututwa siya dahil lagging humihingi ng payo sa kanya si Bryan Diamante na may-ari ng nasabing production outfit.
“Ako ang critic niya, sinasabi ko kung maganda o hindi at natutuwa ako kasi nakikinig naman, pero labas ako sa mga plano niya,” sambit ni ate Vi.