Matteo, Sarah ginagamit ng sindikato sa socmed: Big SCAM…mag-ingat! 

Matteo, Sarah ginagamit ng sindikato sa socmed: Big SCAM...mag-ingat! 

PHOTO: Instagram/@matteog

MAY bagong scam na kumakalat ngayon online na sangkot ang celebrity couple na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

Makikita sa viral post ang litrato ng mag-asawa bilang ambassadors ng Philippine Identification System (Philsys), kalakip ang balitang mabibigyan umano ng ayudang P5,000 ang lahat ng may National ID.

Para sa kaalaman ng marami, taong 2021 pa nang maging ambassadors ng Philsys sina Sarah at Matteo.

Paglilinaw naman ng aktor, isa itong “fake news” at hindi totoo.

Sa pamamagitan ng kanyang X (dating Twitter) account, ni-repost ni Matteo ang screenshot ng viral post na mula sa isang netizen na tinag silang dalawa ng kanyang misis.

Baka Bet Mo: Matteo sa relasyon niya sa mga magulang ni Sarah: ‘I just wish one day everything will be OK’

Caption ng netizen, “Grabe feeling ko di to totoo dami na nila naloloko nabasa ko sa comment pag inopen mo games nalabas @JustSarahG @mateoguidicelli”

Babala naman diyan ni Matteo: “Big SCAM. Please be careful.”

Sa isang separate post, nag-reply ulit ang aktor sa isang fan na nagtatanong kung “legitimate” ang viral post.

Sagot ni Matteo, “Scam.”

 

 

As of this writing, burado na ang kumakalat na video, pero umani na ito ng mahigit 90,000 likes at mahigit 31,000 shares.

Kamakailan lang, nasa California ang mag-asawa upang dumalo sa Billboard Women in Music Awards kung saan personal na tinanggap ni Sarah ang parangal na “Global Force Award.” 

Para sa hindi masyadong aware, ang batikang Pinay singer ang kauna-unahang kinilala sa nasabing award.

Maliban sa kanyang speech, ibinandera rin ng Popstar Royalty ang kanyang pasasalamat para sa lahat ng umalalay at sumuporta sa kanyang karera, lalo na sa kanyang mister na nagbigay ng lakas ng loob sa kanya upang personal na mag-attend sa nasabing awards ceremony.

Read more...