PASABOG ang naging rebelasyon ni Atasha Muhlach matapos nitong ibahagi na noong 17 years old lang siya noong magkaroon ng cellphone.
Sa nagdaang Women Summit 2023 noong Sabado, March 9, natanong ang dalaga kung paano niya ginagamit ang social media sa kanyang advantage lalo na’t bago lang siya sa industriya at bini-build pa lang niya ang kanyang imahe.
“Actually, I’m still learning the ropes of social media because I was only given a phone at the age of 17,” pag-amin ni Atasha.
Kuwento pa ng dalaga, lumaki raw kasi siya sa “old school” na pamamaraan kung saan mas pinapagamit ang landlines kesa ang paggamit ng mobile phones at internet.
“So, it was always a landline of the house growing up. It was very old-school living. We weren’t really given access to social media that’s why I’m still learning the process of it,” pagpapatuloy niya.
Baka Bet Mo: Aga tinuruan sina Andres at Atasha na maging wais sa pera, buking ang baon
Samantala, ibinahagi naman niya ang kahalagahan ng social media sa henerasyin ngayon lalo na’t nagiging daan ito para sa iba’t ibang oportunidad.
“In regards to this generation now, seeing what they’re capable of using the platform of social media for small businesses,” sey ni Atasha.
Pagpapatuloy niya, “Like in the lockdown, so many people started opening up small businesses, identifying their own identities, their individuality and not only that but they’re able to express their desires and anything they’d like.”
Matatandaang ibinahagi noon ni Atasha sa kanyang interview sa Mega na hanggang ngayon ay sinusubukan pa rin niyang masanay sa mundo ng showbiz.
Bukod pa rito, bukas rin sita sa pagsali sa beauty pageants kung magkakaroon siya ng pagkakataon.
Para sa mga hindi aware, si Atasha ay anak ng showbiz couple na sina Charlene Gonzales at Aga Muhlach. May kambal siyang lalaki na si Andres na pumasok na rin sa pag-aartista.