Gabby nasaksihan ang sakit ng iyak ni Ellie nang pumanaw si Jaclyn
By: Ervin Santiago
- 8 months ago
Gabby Eigenmann, Jaclyn Jose at Ellie Ejercito
SA kauna-unahang pagkakataon, nakita ni Gabby Eigenmann ang kanyang pamangking si Ellie Ejercito na umiyak at naging emosyonal.
Matindi rin ang naging epekto sa anak nina Andi Eigenmann at Jake Ejercito ang biglaang pagpanaw ng kanyang lola na si Jaclyn Jose.
Kuwento ni Gabby sa isang panayam, gabi-gabing kasama ni Andi si Ellie sa burol ni Jaclyn sa Arlington Memorial Chapels sa Araneta Avenue, Quezon City.
Sabi ng Kapuso actor, ito unang beses niyang nakita si Ellie na naging emosyonal. Talagang dinamdam din ng bata ang pagkamatay ng pinakamamahal niyang lola
“I hardly see Ellie cry ever since she was a baby. But during the time nu’ng cremation, isa yun sa pinaka, yung ayaw mong makita din.
“Yeah, of course, kasi love na love niya si Naynay, e. Like love na love din siya ni Tita Jane (tunay na pangalan ni Jaclyn). First apo yan, e.
“And everyone knows that chapter of Andi’s life. That chapter of Tita Jane’s life, when Ellie was born,” pahayag ni Gabby.
Nang kumustahin sa kanya si Andi sa lamay ni Jaclyn, “Of course, day by day you see different people, e. Yung iba-ibang mga nakasalamuha ni Tita Jane sa industriya, e.
“Nu’ng second day yata, ‘Sino pang gusto mong makita?’ tinanong ko siya. May mga binanggit siya. Tapos eventually nung the following day, nakita niya, nailabas na niya. Tapos, hindi naman ako nagulat na iiyak siya ulit kanina.
“Pero any child naman na nawalan ng magulang will always be reminded of… yung pag wala na, konting switch lang ng ano, maaalala pa,” sabi ng aktor.
“And it’s a good thing now that it’s, hindi na nga chapter ng isang libro, it’s another book, alam mo yun. Na mas maganda na, at mas masarap basahin. Kasi, iba na ang buhay ni Andi. Napakasaya na.
“She has her own family. Yun naman talaga ang gusto niya, e. Once nabuo na yung family niya, Andi had a lot of plans. Of course, to bring Tita Jane sa Siargao. Yung mga ganyan, to visit. Madami,” sabi pa ni Gabby.
Sabi ni Gabby ang pagiging mabuting ina ang pinakanagmarka sa kanya noong nabubuhay pa ito. Ibang klase raw ang ibinigay nitong unconditional love para kay Andi at sa isa pa nitong anak na si Gwen Guck (anak ng aktres sa dating karelasyon na si Kenneth Garimond Ilagan).
“Not because of her accolades and all that, given na yun, e. Pero puwede mong kalimutan yun, e. Hindi mo makakalimutan is how she was as a mother.
“For me, it may not be 100% perfect, or may not be yung…lahat naman tayo, may ups and downs, e. Being a parent is really, really hard. Walang perfect na parent. Hindi lahat ng decision-making, e, laging nasa tama. So yun ang mahirap.
“Kasi, any parent would want na lahat ng anak nila ay maniwala sa kanila. Gets mo? Yung makinig kayo sa lahat ng sasabihin ng magulang, kasi lahat yan, pinagdaanan na nila yan. Oo, totoo!
“But of course, for children to be independent, they have to go through life on their own. And that’s one of the sacrifices na naano ni Tita Jane is to try to hold on. Kahit maikli na lang yung tali, alam mo yun,” aniya pa.
Wala pang balita kung dadalhin ni Andi ang cremated remains ng kanyang ina sa Siargao kung saan na siya nakatira kasama ang fiancé na si Philmar Alipayo.
“May plans na ganu’n, pero hindi pa nako-confirm. Basta may sinabi si Andi na, ‘Uwi na tayo, Nanay.’
“Yun ang di ko makakalimutan, and that hit me, hit everyone, especially me. So, yung ‘Uwi na tayo, Nanay,’ ang daming ibig sabihin nu’n,” sabi pa ni Gabby.