NAGING sentro ng usap-usapan ng mga Marites all over the universe ang asawang host at musician ni Donita Rose na si Felson Palad.
Ito’y matapos ngang i-reveal ng aktres at TV host sa buong mundo na isang certified virgin ang kanyang mister nu’ng maging magkarelasyon sila.
Ayon kay Donita sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan, nanatiling virgin si Felson hanggang sa araw ng kanilang kasal. At talaga raw ipinagdasal niya ito sa Panginoong Diyos.
“Sabi ko, ‘Lord, sana maging virgin ang asawa ko.’ Natupad! So, when I met him and we started like talking as friends and then eventually we started dating he said, ‘May confession ako sa ‘yo, virgin pa ako.’
Baka Bet Mo: Pag-amin ni Donita Rose sa relasyon nila ni Felson Palad ninega ng bashers: Napakasakit sa akin…
“Tapos hindi ko siya sinagot tapos sabi niya, ‘Bakit? Na-turn-off ka na ba?’ Sabi ko, ‘Alam mo ba na ‘yan ‘yung prayer ko kay Lord na hindi ko akalain (na ibibigay),” aniya pa.
Kasunod nito, nagpaliwanag nga si Felson tungkol sa pahayag ni Donita matapos makatanggap ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens.
Sa kanyang Instagram page, nag-post si Felson ng kanyang saloobin hinggil sa isyu na may titulong “The Virgin Husband.”
Aniya, nababasa niya ang mga comments at mga articles tungkol sa kanya, “with some expressing admiration, some concern, and some even ridiculing me through private messages.”
“However, both my wife and I firmly believe that she articulated her thoughts appropriately for the occasion.
“We view this as an opportunity to share the gospel and the goodness of God through our personal testimonies, especially targeting the younger generation,” pagbabahagi ni Felson.
Baka Bet Mo: Donita Nose inireklamo ang airline company dahil sa nawalang bagahe, ‘di nakapagpalit ng panty
Dagdag pa niya, “Yes, I was indeed a virgin when my wife and I tied the knot. While some might doubt my claim, I do not aim to prove my virginity; that would be irrelevant.”
Sabi ni Felson, 38 years old na siya nang magpakasal sila ni Donita pero inamin niya na meron din daw siyang “share of youthful indiscretions.”
“But one thing I upheld was the sanctity of the marital bond,” ani Felson kasabay ng pagsasabing may blessing daw ng kanilang mga pastor ang pagkukuwento ng tungkol sa kanilang love story.
“We firmly believe in educating the youth about the sacred and blessed nature of sex within the confines of marriage, recognizing it as a divine gift.
“I kindly request that if you find my wife’s statement discomforting, please refrain from criticism. She did not intend to embarrass me; rather, she spoke the truth and depicted our marriage and faith in God with integrity.
“Our ultimate aspiration is for others to witness the faithfulness of God in our lives. God Bless Everyone,” aniya pa.