Vanessa Hudgens buntis na, ibinandera ang baby bump sa Oscars 2024

Vanessa Hudgens buntis na, ibinandera ang baby bump sa Oscars 2024

PHOTO: Instagram/@vanessahudgens

MAY bagong baby news, mga ka-BANDERA!

Buntis na ang sikat na Filipino-American singer-actress na si Vanessa Hudgens sa kanyang mister na baseball outfielder na si Cole Tucker.

Ang kumpirmasyon ay matapos siyang rumampa sa red carpet ng prestihiyosong Oscars 2024 na ginanap sa Dolby Theatre sa Los Angeles, California ngayong araw, March 11 (Manila time).

Isa kasi siya sa mga napiling hosts para sa pre-show ng awards ceremony at kasama niya riyan ang American dancer-actress na si Julianne Hough.

Baka Bet Mo: Vanessa Hudgens tinawag na ‘magical place’ ang Pinas, gusto rin sanang magpakasal sa bansa, pero…

Sa Instagram ng Hollywood actress, bumandera ang baby bump sa isinuot niyang black turtleneck gown.

“Oscar’s 2024! One for the books [emojis],” caption niya sa post.

Sa comment section, nagbunyi ang maraming fans at natutuwa sa pagdadalang-tao ng Fil-Am star.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“It’s the start of something new [sparkle emoji].”

“I KNEW IT! I literally said like a month ago that she was pregnant!”

“WHAAAAAAAAT!?!? No WAY!! I’m so excited about this. Welcome to the best time of your life my [heart emojis] CONGRATS!!!”

“Aaaaah!! Congrats!!! Gorg as always [heart emojis]”

Magugunita na December last year lamang nang isagawa ang intimate wedding ni Vanessa at Cole sa Mexico.

Tatlong taon sila naging magkarelasyon bago ikinasal.

Read more...