BUMUHOS ang pamba-bash at hate comments laban kay Miss World 2013 Megan Young.
Nagalit sa kanya ang maraming African pageant fans matapos niyang ayusin ang buhok ni Miss World Botswana Lesego Chombo sa question-and-answer (Q&A) portion ng 71st Miss World competition noong March 9.
Karamihan sa netizens, pinagbibintangan si Megan na gumamit ng “witchcraft” o kulam kaya nawala ang swerte ng pambato ng Botswana, South Africa.
Para sa hindi masyadong aware, sensitibo talaga ang mga African pagdating sa kanilang buhok.
Para sa kanila, ang buhok ay isang sagradong simbolo ng kanilang kultura.
Baka Bet Mo: Ellen, Derek naka-survive sa ‘African honeymoon’; may hugot sa mga insekto
Hindi rin maganda para sa Africans na bigla-bigla nalang hahawakan ang kanilang buhok.
Kailangan ay humingi ka muna ng permiso dahil bukod sa paglabag ito sa kanilang personal space, ito ay “rude” at “disrespectful” sa kanila.
Sa social media, ibinandera ni Megan ang kanyang pagso-sorry sa kanyang ginawa.
Aminado ang Pinay beauty queen na nagkamali siya, pero iginiit na nais lamang niya tulungan ang kandidata.
“I wanted to offer a helping hand but I failed to oversee the bigger picture. This could have caused distress during that moment and I have been made aware that culturally, this is unacceptable,” sey niya sa Facebook post.
Ikinuwento rin niya na nakausap na niya sa personal si Lesego upang humingi ng tawad.
“We have spoken privately last night at the hotel and I have apologized to Lesego in private,” chika niya.
Dagdag pa niya, “To those who witnessed the incident, I also want to apologize for any discomfort or confusion my actions may have caused.”
“It was a thoughtless and disrespectful act, and I take full responsibility for it,” aniya.
Paglilinaw niya, “I assure you that it was not my intention to invade personal space or make anyone feel uncomfortable. I deeply regret my actions and will strive to be more mindful and respectful in the future.”
Makikita sa comment section na nagsalita na rin mismo si Miss World Botswana at nakiusap sa kanyang mga kababayan na maging “kinder” hindi lang kay Megan, kundi pati na rin sa bagong reyna ng Miss World na si Krystyna Pyszková ng Czech Republic.
“Batho bame (My people), I appreciate that you are all looking out for me, but it really doesn’t make me feel good when you bring other people down in my name or for my sake,” apela niya.
Wika pa niya, “Please be kinder, please. To Krystyna, to Megan, be kinder.”
Si Lesego ay kabilang sa Final 4 ng 71st Miss World pageant.
Si Megan naman ang nananatiling nag-iisang Pinay na nakapag-uwi ng Miss World title na napanalunan niya noong 2013.