Snooky Serna kay Jaclyn Jose: ‘Hindi malilimutan ang kababaang loob mo’

Snooky Serna kay Jaclyn Jose: ‘Hindi malilimutan ang kababaang loob mo’

Snooky Serna, Jaclyn Jose

KAHIT inihatid na sa huling hantungan, patuloy pa ring bumubuhos ang pakikiramay at pagluluksa para sa namayapang movie icon na si Jaclyn Jose.

Isa na riyan ang seasoned star na si Snooky Serna na ibinahagi ang “other side” ni Jaclyn kahit isang beses lang daw sila nagkasama sa isang proyekto.

Hinanap namin online kung ano ang tinutukoy ng batikang aktres at nakita namin na ito ‘yung 2015 biopic film na pinagbidahan ni Dennis Trillo na pinamagatang “Felix Manalo.”

Ang istorya niyan ay umiikot sa tunay na buhay ng kauna-unahang Executive Minister ng Iglesia ni Cristo.

Anyway, ibinandera ni Snooky sa Instagram ang litrato ng yumaong award-winning actress at dito niya inihayag ang kanyang nararamdaman.

Baka Bet Mo: Kaarawan ni Gabby kamatayan din ni Jaclyn; todo ang pag-aalaga kay Andi

“I sincerely admire her beauty and presence,” bahagi ng kanyang caption.

Patuloy niya, “And undoubtedly, her gift…Her ability to morph into a completely different character. Each one, she breathe life with distinctive flair and craftsmanship that is genius and all hers.”

“Pero bukod doon ang hindi malilimutan…Ang kababaang loob ni Ms. Jaclyn Jose,” sey pa niya.

Dagdag niya, “Salamat ate Jane sa pagsundo’t hatid mo sa akin sa kapilya. Salamat din sa payo mo sa akin na ngayon digit kailan sa point ng life ko ay KAILANGAN kung I remind at ipa alala sa sarili ko.”

Lahad pa niya, “I feel bad that I could not pay my last respects…I also want to reach out to your family, not only as your colleague but as one the many people who you have shown kindness to.”

“Rest Well ate Jane. Thank you will never be enough…,” ani pa ng aktres.

March 2 nang sumakabilang-buhay si Jaclyn sa edad na 60, pero ito ay nakumpirma lamang kinabukasan ng kanyang talent agency na PPL Entertainment.

Noong March 4 naman nang personal na humarap sa media ang kanyang anak na si Andi Eigenmann upang ipaalam sa publiko na atake sa puso ang sanhi ng pagkamatay ng kanyang mahal na ina.

Read more...