Kuh payag magkadyowa uli pero may kundisyon; umamin sa ‘kasalanan’

Kuh payag magkadyowa uli pero may kundisyon; umamin sa 'kasalanan'

Kuh Ledesma

BUKAS pa rin ang isip at puso ng Pop Diva at OPM icon na si Kuh Ledesma sakaling may dumating na bagong lalaki sa kanyang buhay.

Pero mabilis niyang kinlaro na hindi naman daw siya naghahanap na magiging dyowa, kung may ibibigay sa kanya si Lord na bagong partner in life ay masaya niya itong tatanggapin.

Sa guesting ni Kuh sa “Fast Talk with Boy Abunda” last Friday, isa sa mga natanong sa kanya ay kung ano ba ang feeling niya na pinakamalaking kasalanan na nagawa niya sa buhay.

“Nagmadali akong mag-asawa. Hindi ko naintindihan ang marriage, what it is all about. ‘Yan ang kakulangan ng mga gustong magpakasal.

Baka Bet Mo: Kuh Ledesma umalma sa fake news na namatay na siya: I’m alive! OK ang heart ko, very strong!

“Nagmamadali and they don’t understand the commitment. Tuloy, nagkakaroon ng gulo,” sagot ni Kuh kay Tito Boy.

Dito na nabanggit ng veteran singer na may mga pagkakataong naiisip din niya ang makipagrelasyon uli makalipas ang ilang dekada ng pagiging single.

“Sometimes I think about it, and then I pause and say, ‘Ay Lord kuntento na ako ngayon.’ Kung meron, meron. Kung wala, wala. I am happy eh,” ang chika pa ng  Pop Diva.


Sakali man daw na may dumating na bagong lalaki sa kanyang buhay, dapat daw ay may takot ito sa Diyos. Pero ipinagdiinan ni Kuh na wala pa rin siyang balak magpakasal uli.

Baka Bet Mo: Andrea ayaw pang magdyowa uli: Gusto kong mag-isa muna para pag dumating yung next, all-out ulit!

May kundisyon daw siya sakaling mag-aasawa siya uli, “Kung mahal na mahal man niya ang Diyos, hindi rin ako puwede.

“My husband will have to go first before I can remarry, or he has to remarry before I can,” sey pa ni Kuh na ang tinutukoy ay ang former husband niyang si Luisito Gonzalez.

“May mga nanliligaw pero talagang hindi puwede. Pero sinasabi ko, ‘No I’m not missing anything. I’m so content, I’m complete.

“That’s what you call the sufficiency in Christ. He is enough for me. Kung may dalhin, I fall in love. Okay lang,” aniya pa.

Read more...