MUKHANG hindi kinaya ng powers ng American rapper na si Cardi B nang tangkain niyang kumain ng balut.
Sa kanyang TikTok ay ibinandera niya ang kanyang “Eat a Balut Egg with Me” na uploaded nitong March 7.
Kuwento ni Cardi B, matagal na raw niyang nakikita sa kanyang social media kaya sinubukan niyang kumain nito.
“I got it, let’s try it, and rate it from 1 to 10,” saad ng kilalang rapper.
Ngunit bago pa niya simulan ang pagkain ng balut ay uminom muna ng gamot si Cardi B ng antacid para maiwasng sumakit ang kanyang tiyan.
Nag-ready rin siya ng lemon sauce, salt, and pepper na ilalagay niya rin sa balut.
Baka Bet Mo: Balut, lechon, 13 iba pang salitang Pinoy isinama na sa Oxford dictionary
Matapos basagin ni Cardi B ang ibabaw ng balut ay nilagyan niya ito ng lemon sauce at saka hinigop ang sabaw.
Sa una ay tila nasuka siya ngunit nang pisilin niya ang ilong at sinubukan ulit tikman ang sabaw ay nagtagumpay na siya.
Sunod naman niyang sinubukan ay ang yellow part ng balut ngunit agad rin niya itong iniluwa.
“No. I don’t like it. I don’t like it,” sey ni Cardi B.
Pagpapatuloy niya, “It’s very meaty. It literally tastes to me like an uncooked chicken. I don’t know.”
Samantala, nagustuhan naman niya ang lasa ng sabaw ng balut.
“I’m not even gonna rate in from 1 to 10. I’m just gonna say it is not for me, but I’m so glad that I tried it,” ani Cardi B.
Dagdag pa niya, “Maybe I did it wrong. Maybe I need to eat it from somebody that knows how to cook it because I couldn’t.”