Megan Young nasa India na, nakasamang muli ang Miss World winners

Megan Young nasa India na, nakasamang muli ang Miss World winners

Megan Young, Stephanie Del Valle Diaz, Karolina Bielawska, Vanessa Ponce de Leon,Mireia Lalaguna, at Toni-Ann Singh

TUTOK NA SA MISS WORLD UPDATES

NAKARATING na ang actress-beauty queen na si Megan Young sa Mumbai, India para sa 71st Miss World coronation night.

Sa kanyang Instagram posts ay ibinahagi niya ang mga larawan niya na kuha habang isinasagawa ang rehearsals para sa naturang international beauty pageant.

“Rehearsals today for @missworld [emoji] feeling cute, won’t delete later,” saad ni Megan sa kanyang caption.

Bukod pa rito, muli rin niyang nakasama ang iba pang Miss World titleholders.

Baka Bet Mo: Megan Young muling rarampa sa 71st Miss World sa Mumbai, India

 

Nag-upload pa nga si reigning Miss World 2022 na si Karolina Bielawska ng larawan kasama si Megan at ang iba pang mga nagdaang winners sa naturang pageant.

Kasama nila sina Miss World 2015 Mireia Lalaguna, 2016 Stephanie Del Valle Diaz, 2018 Vanessa Ponce de Leon, at 2019 Toni-Ann Singh.

“Who’s gonna join @missworld sisterhood in two days?!” caption ng reigning queen sa kanyang post.

Makikita naman na nagkomento si Megan sa post ni Karolina.

Aniya, “Yays to mornings with you ladies!”

Para sa mga hindi aware, si Megan ang magsisilbing co-host para sa Miss World 2023 coronation night na gaganapon sa Jio World Convention Centre in India.

Makakasama niya bilang co-presenter ang Indian TV personality na si Karan Johar.

Matatandaang si Megan ang nagkamit ng titulong Miss World noong 2013.
Samantala, si Gwendolyne Fourniol naman ang pambato ng Pilipinas para sa 71st edition ng Miss World.

Read more...