Gal Gadot may 4th baby na, fans gulat na gulat: ‘Wait, she was pregnant?’

Gal Gadot may 4th baby na, fans gulat na gulat: ‘Wait, she was pregnant?’

PHOTO: Instagram/@gal_gadot

SINORPRESA ni “Wonder Woman” star na si Gal Gadot ang publiko matapos ibandera ang bagong miyembro ng kanyang pamilya – ang ikaapat niyang anak na si Ori.

Sa isang Instagram post, makikita ang picture na nasa ospital pa ang Hollywood actress habang karga ang newborn baby nila ng mister na si Jaron Varsano.

Paglalarawan ng dating beauty queen, hindi madali ang kanyang pagbubuntis.

“My sweet girl, welcome. The pregnancy was not easy and we made it through,” caption niya sa IG.

Ipinaliwanag pa niya kung ano ang kahulugan ng ibinigay niyang pangalan para sa bagong baby.

Baka Bet Mo: Marian: Sobrang wish kong makilala si Gal Gadot, sana mami-meet ko siya!

“You have brought so much light into our lives, living up to your name, Ori, which means ‘my light’ in Hebrew. Our hearts are full of gratitude,” wika niya

Aniya pa, “Welcome to the house of girls. Daddy is pretty cool too.”

Sa comment section, maraming fans ang tila nagulat at nabigla dahil mukhang marami ang hindi aware na nagbuntis pala ang kanilang iniidolo.

Bukod sa walang kumalat na balita, hindi rin nag-share ang aktres patungkol sa kanyang pregnancy journey recently.

Huli siyang nakita sa publiko sa red carpet premiere ng pelikulang “Barbie” noong Hulyo.

Nagkaroon pa nga siya ng pelikula na “Heart of Stone” na ipinalabas sa Netflix noong Agosto.

Sa isang interview noong 2022, nabanggit ni Gal na nag-e-enjoy siyang manganak.

“I love giving birth,” sey niya.

Saad pa ng aktres, “I would do it once a week if I could. It’s so magical. And I always take epidurals, to be fair, so it’s not so painful. Just the moment you feel like you’re creating life, it’s incredible.”

Dagdag niya, “[Although] pregnancies are hard for me. I feel sick and have migraines. I’m not in my element.”

Read more...