Jolina kay Jaclyn: Wala akong hinaing sa pagbugbog mo sa 'kin

Jolina natakot kay Jaclyn: Wala akong hinaing sa pagbugbog mo sa ‘kin

Ervin Santiago |March 08,2024
facebook
share this

Jolina natakot kay Jaclyn: Wala akong hinaing sa pagbugbog mo sa ‘kin

Ervin Santiago - March 08, 2024 - 12:02 AM

Jolina natakot kay Jaclyn: Wala akong hinaing sa pagbugbog mo sa 'kin

Jolina Magdangal, Jaclyn Jose, Michael de Mesa, Marvin Agustin at Charo Santos

TAKOT na takot pala si Jolina Magdangal nang makatrabaho niya ang pumanaw na veteran actress na si Jaclyn Jose.

Inalala ni Jolens ang ilang proyektong pinagsamahan nila ni Jaclyn o Mary Jane Guck sa tunay na buhay, sa isang pa-tribute na ibinahagi niya sa kanyang Instagram account.

Baka Bet Mo: Julie Anne, Jolina pinatunayang walang isyu sa kanila matapos magbardagulan ang fans kung sino ang tunay na ‘Pop Icon’

Ipinost ng Kapamilya TV host-actress ang isang litrato nila ng namayapang movie icon na kuha sa isang telesine na pinagsamahan nila ilang taon na ngayon ang nakararaan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jolina Magdangal Escueta (@mariajolina_ig)


“Oh my beautiful Tita Jane. Sa telesine na ito una kita nakasama.. dito palang in-admire na kita dahil sa sobra mong ganda, napaka expressive ng mga mata mo.

“At dito na din kita naging inspiration sa pag arte,” ang simulang caption ni Jolina sa kanyang IG post na ang tinutukoy ay ang “Casa Lucresia”, ang first TV series nila together.

Ayon pa kay Jolens, hindi siya nagreklamo ever kapag nasasaktan siya ni Jaclyn sa kanilang mga eksena. Sa katunayan, gustung-gusto pa niya ito dahil feel na feel niya ang aktingan nila.

“Ni katiting wala akong hinaing sa pagbugbog mo sa ‘kin dito at isa ito sa mga unforgettable experience ko pag usapang sampalan sa eksena.

Baka Bet Mo: Jolens 32 years na sa showbiz, hiyang-hiya pa rin kapag tinatawag na ’90s icon’

“First time ko maramdaman na ang lower part ng palad (katabi ng wrist) ay tumama ng malakas sa panga ko. Napayakap tuloy ako ng bongga kay Jay Manalo juskoday!” sabi pa ng aktres.

Inamin ni Jolina na gusto talaga niyang maging close noon kay Jaclyn pero nahihiya at natatakot daw siya at feeling intimidated.

“Dito, gusto ko sana makipag chikahan sa’yo, pero hindi kita malapitan pag break time o wala tayo pareho eksena kasi feeling ko ikaw ay suplada.

“Pero nakatulong din yung di tayo nag chikahan kaya naging natural nalang na takot ako sa’yo sa mga scenes,” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Mensahe pa niya sa namatay na aktres na eventually ay naging nanay-nanayan din niya sa showbiz, “I love you Tita Jane. Praying for you to rest in peace.”

Samantala, nag-post uli si Jolina ng isa pang mensahe para kay Jaclyn kalakip ang mga litrato at short video ng mga ginawa nilang projects together, ang  “Puso ng Pasko” at ang “Maalaala Mo Kaya” episode na “Karayom.”

“Dear Tita Jane, Eto po yung mga projects na magkasama tayo pero never nagka eksena ng mahaba.

“1st pic Puso ng Pasko and 2nd pic MMK Karayom. Pero alam mo Tita, pag may chance na nandun ako sa shoot day mo, pinapanood kita pag eksena nyo na kasi galing na galing po ako sa inyo umarte.

“Hindi ko pa rin po magawang lumapit sa inyo para makipagkwentuhan lang. Sobrang nahihiya po ako,” rebelasyon pa ni Jolens.

“Tita, dito ko po narealize na idol ko po kayo. I love you Tita Jane,” aniya pa.

Nagkomento naman ang anak ni Jaclyn na si Andi Eigenmann sa post ni Jolina, “Yakap na mahigpit ate jolens.”

“@andieigengirl (Andi Eigenmann) love you dear… naalala ko pa when i first met dala ka ni Tita Jane sa taping… super super mestisa with light brown hair,” ang reply naman ni Jolina kay Andi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pumanaw si Jaclyn last Saturday, March 2, dahil sa heart attack. Siya ay 60 years old.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending