MAY kwelang hirit ang social media personality na si Rendon Labador ukol sa biglaang pagka-down ng sistema ng social media platforms ng Meta (Facebook, Instagram, at Threads) nitong Martes ng gabi, March 5.
Marami sa mga users ng mga nabanggit na social media platforms ang hindi ma-access ang kanilang mga accounts kaya marami ang nag-panic at naisip na baka na-hack ang kanilang social media accounts.
Makalipas naman ang ilang oras ay muli nang bumalik sa ayos ang Meta at na-access na rin ng mga tao ang kanilang accounts sa Facebook, Instagram, at Threads.
Napahugot naman si Rendon sa pangyayari.
Sey nito, ““Ngayon alam na ninyo ang pakiramdam ng taong nawalan ng Facebook.”
Baka Bet Mo: Rendon: Dahil ang t*t*nga pa rin ng applicant itataas na natin ang offer
Marami naman ang natawa sa banat ni Rendon.
“Grabe Po Yung patience nyo Nung nawala ilang Araw Ang FB nyo [clapping hands emojis] samantalang kami Imagine, halos 1 hour lang nawala parang nawalan na Ng pag-asa. Char [laughing emojis],” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “tama po kau kuya Rendon Labador.”
“Kinabahan ka ulit no akala mo nareport na naman yung fb page mo kahit wala kang ginagawang masama,” sey naman ng isa.
Matatandaang noong Setyembre 2023, ibinandera ni Rendon ang pagkawala ng kanyang Facebook account.
Kasunod na nawala sa kanya ay ang kanyang gmail account.
Makalipas naman ng ilang linggo ay muli namang nakabalik si Rendon sa Facebook.