4th Impact binura na ang fundraising para sa ‘farm’ ng 200 aso

4th Impact binura na ang fundraising para sa 'farm' ng 200 aso

4th Impact

TULUYAN nang tinanggal ng P-pop girl group na 4th impact ang kanilang isinagawang donation drive sa GoFundMe para sa kanilang pag-aaring 200 na aso.

Nitong Martes ng gabi, March 5 ay sinubukan naming bisitahin ang naturang post ng girl group sa naturang website ngunit nang tignan namin ay burado na ito.

“Fundraiser not found.

Please check the URL and try again or alternatively, you can browse fundraisers currently receiving the most donations worldwide below,” ito ang mensahe nang subukan naming i-check ang post ng 4th impact.

Bago pa ito mawala, nauna nang umapela ang girl group sa madlang pipol na tulungan sila na mailipat sa mas malawak na lugar ang kanilang mga aso na umabot na ng 200.

Baka Bet Mo: 4th Impact may pa-fundraising para sa 200 dogs, netizens uminit ang ulo

“Hello fellow dog lovers and our dear fans, My name is Elvira, and I’m here with my sisters 4th Impact, a Filipina singing group. Today, I’m reaching out to you with a heart full of love and a humble request for support.

“Our journey with our beloved dogs began with a gift from our fans – five precious Shih Tzus. Over time, our passion for these furry companions led to unexpected blessings, but also unexpected challenges.

Despite our busy schedules, we’ve poured our hearts into caring for them, watching them grow from newborns to cherished members of our family. But as our family of dogs multiplied, so did the need for space and resources,” pgbabahagi ni Elvira na isa sa mga miyembro ng 4th impact.

Ngunit may mga kapitbahay na silang nagreklamo dahil sa ingay ng mga aso kaya naman nagdesisyon silang pansamantalang ihiwalay ang mga lalaking shih tzus.

“Their well-being means everything to us. And now, as we look into their eyes, we see the longing for a home where they can run, play, and thrive together,” hirit pa ng 4th impact.

Ngunit agad itong binatikos ng mga netizens dahil hindi na raw dapat nila ipinaabot sa puntong aabot ang mga aso ng 200 kung hindi nila maibibigay ang mga pangangailangan ng mga ito at maling iasa ito sa ibang tao.

Bukod pa rito, kinondena sila ng madla dahil may budget ang mga ito na pumunta sa Eras Tour pero inihihingi sa iba ang parazsa bagong tahanan ng kanilang mga aso.

Read more...