Philmar mami-miss si Jaclyn Jose: Mamahalin ka namin habangbuhay

Philmar mami-miss si Jaclyn Jose: Mamahalin ka namin habangbuhay
MADAMDAMIN ang naging mensahe ni Philmar Alipayo kay Jaclyn Jose, ang yumaong ina ng kanyang partner na si Andi Eigenmann.

Sa kanyang Instagram story nitong Martes, March 6, ibinandera niya ang kanyang pagbibigay pugay sa beteranang aktres.

“Mingawon kami sa imo samot na an mga bata, Salamat sa tanan oras sa pag alaga sa pag payangga sanan pag mahal sa amo,” saad ni Philmar.

[Mami-miss ka namin, lalo na ang mga bata. Salamat sa pagbuhos ng oras sa pag-aalaga at pagmamahal mo sa aming lahat]

Baka Bet Mo: Jake thankful sa pag-aalaga ni Philmar kay Ellie: ‘She’s in good hands’

Nangako rin si Philmar na kahit nasa kabilang buhay na ito ay patuloy nila itong mamahalin.

“Mahal kaw namo sanan mahalon hangtod sa hangtod,” sey pa ng partner ni Andi.

[Mamahalin ka naming lahat hangga’t magpakailanman.]

Matatandaang nagulantang ang buomg showbiz industry matapos lumabas ang balitang pumanaw na si Jaclyn Jose.

Una itong nabalita noong Linggo ng gabi, March 3, na siya ring kinumpirma ng PPL Entertainment Inc., ang kanyang talent management.

Noong Lunes, March 4, humarap sa publiko ang partner ni Philmar na si Andi upang ilahadcang naging dahilan ng pagkamatay ng ina.

“It is with great sadness that I announce the untimely passing of my nanay, Mary Jane Guck, better known as Jaclyn Jose, at the age of 60 on the morning of March 2, 2024 due to myocardial infarction or heart attack. We’d like to thank everyone who was send extended prayers and condolences to us,” saad ni Andi.

Read more...