NAGPAKITA ng suporta ang aktres na si Liza Soberano sa comeback movie ni Enrique Gil na “I Am Not Big Bird”.
Sa kanyang Instagram story ay ibinandera nito ang kanyang panonood sa sinehan ng naturang pelikula bilang support sa kanyang dyowa.
Chika ni Liza, agad itong dumiretso sa sinehan mula sa airport pagkabalik ng Pilipinas para panoorin ang “I Am Not Big Bird”.
“Went straight to the theaters from the airport last night to watch I Am Not Big bird.
“Congratulations @enriquegiliz!! The movie had me crying from laughing so much!” saad ni Liza.
Nagpapasalamat rin ang iba pa nilang kaibigan dahil ang aktres pala ang nag-arrange ng block screening para makapanood sila ng pelikula.
Baka Bet Mo: Liza Soberano pak na pak sa pagrampa sa SAG Awards: ‘Nakakaiyak ang ganda!’
“Thanks for setting this up, @lizasoberano [Liza],” saad ng isa sa kanyang mga kaibigan.
Chika pa ng isa, “CONGRATS KUYA @ENRIQUEGIL17! WE WERE THE LOUDEST IN THE CINEMA HAHA!
Thank you for setting this up @lizasoberano [Liza] been a while since we had a movie night with everyone!”
Kaya naman hindi mapigilan ng mga fans na matuwa dahil muli na namang nagiging aktibo ang dalawa sa pagbibigay “ayuda” online.
Comment naman ng isa, “Ohh diba? may FOREVER ang Liza Soberano and Enrique Gil [emojis],” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa,”Hiwalay na ang love team nila but not in real life [emoji] sila pa din.”
“Baka Liza at Enrique lang ang forever,” hirit naman ng isa.
Bagamat hindi nakapunta sa premiere night ng “I Am Not Big Bird” ni Enrique dahil sa busy schedule nito ay bumawi naman ang dalawa at ipinakita ang suporta sa dating ka-love team.