School, ninakawan ng mga sundalo

ANG talumpati ni Pangulong Noy sa TV upang idepensa ang kontrobersiyal na Disbursement Acceleration Program (DAP) was a brilliant move.

Genius o henyo ang nag-isip ng ideya na yun.

Halos lahat ng tao ay nakapanood ng talumpati ng Pangulo sa bayan dahil ito ay ginawa sa prime time, ang oras na karamihan sa madla ay nanonood ng TV.

Sa palagay ng inyong lingkod, nakumbinsi ng Pangulo ang bayan na ginawa niya ang pag-release ng DAP sa kapakanan ng bayan.

Binabatikos si P-Noy ng kanyang mga kritiko na ginawa niyang suhol ang DAP sa mga senador matapos nilang ma-convict at mapatalsik si Chief Justice Renato Corona sa impeachment.

Maraming mga eksperto sa Saligang Batas, na gaya ni Father Joaquin Bernas, na nilabag ng Pangulo ang Constitution dahil sa paggastos niya ng DAP.

Pero naipaliwanag ni P-Noy nang mabuti ang kanyang magandang hangarin sa pag-release niya ng DAP sa mga senador.

Sinampahan ng kasong malversation of public funds ni Sen. Antonio Trillanes IV si Philippine Olympic Committee president Jose “Peping” Cojuangco dahil diumano sa paglustay nito ng pondo para sa sports.

Dinaybert daw ni Peping Cojuangco, tiyuhin ni Pangulong Noy, ang pondong pang-sport sa isang pekeng sports association.

Wala pang nakagawang sampahan ng kasong kriminal si Peping na masyadong makapangyarihan noong panahon ni Pangulong Cory na kanyang kapatid.

Mapapansin na walang mataas na puwestong binigay ni P-Noy kay Peping Cojuangco.

Ang bali-balita ay hindi nagustuhan ng Pangulo ang pinaggagawa ni Peping at ng kanyang asawang si Tingting Cojuangco noong administrasyon ng kanyang ina.

Nawalan ng star lawyer si Janet Lim-Napoles, ang pork barrel queen.

Bumitiw si Lorna Kapunan bilang abogada ni Napoles.

Marami raw mga abogado na nakikialam sa kaso ni Napoles, bukod pa sa hindi pagkakaintindihan ni Kapunan kay Freddie Villamor, isa pa ring abogado ni Napoles.

May kasabihan sa English, “Too many cooks spoil the broth.”

Ang pagkakaroon ng maraming abogado ni Napoles ang magiging resulta ng paghina ng kanyang depensa sa korte.

Hindi sinunod ni Napoles si Kapunan na huwag pumunta sa INQUIRER upang kausapin ang diyaryo na tigilan na ang pagpa-publish ng P10-billion pork barrel scam na siya ang pasimuno.

Ang INQUIRER, ang pinakamabiling broadsheet sa bansa, ay sister newspaper ng Bandera.

Kakausapin sana ni Napoles si Letty Jimenez-Magsanoc, editor-in-chief ng INQUIRER, nang masinsinan.

Alam na natin kung anong ibig sabihin noon dahil ang pagkakaalam ni Napoles lahat ng tao ay mabibili niya.

Lingid sa kanyang kaalaman, inabangan na si Napoles ng ibang editors, mga kolumnista at reporters.

Na-trap si Napoles at di na siya makaatras sa interview ng mga editors, columnists at reporters ng INQUIRER.

Dahil sanay sa interview ang mga taga-INQUIRER, nabisto ang mga gawain ni Napoles sa pagmanipula ng Priority Development Assistance Fund o PDAF, na tinatawag din na pork barrel.

Marami tuloy nakaalam kung anong klase ang pagkatao ni Napoles dahil sa interview.

Noong kasagsagan ng pagsalakay ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa Zamboanga City, ginawa ng government forces ang American Career Training Institute, isang vocational school, na command center.

Nang bumalik ang school officials sa eskuwelahan matapos ang kaguluhan, nakita nila kung anong idinulot ng paggamit ng military ng kanilang paaralan.

Ni-loot ng mga sundalo ang school at sinira ang maraming gamit.

Para raw dinaanan ng tornado ang school, sabi ni Kenneth Michael Patrick at ng kanyang maybahay na si Norida, may-ari ng American Career Institute.

Pinagbabayad ng mag-asawa ang Armed Forces of the Philippines sa pagkawala ng mga gamit at pagsira sa eskuwela.

Ganyan ba ang pagkakaintindi ng mga sundalo sa “Matuwid na Daan” ni P-Noy?

Read more...