JANELLE MANAHAN umaming maraming ginawang sex video


Nainterbyu ni Nay Cristy Fermin si Janelle Manahan para sa segment niyang “Caught By Cristy” sa Showbiz Police Intriga Under Arrest sa TV5 na mapapanood ngayong gabi.

Si Janelle ang karelasyon ng napaslang na aktor na si Ramgen Revilla na anak ni Jennylyn Bautista kay dating Sen. Ramon Revilla, Sr. at naikuwento ng dalaga na pinagbawalan siya ng pamilya ng dating boyfriend na dumalaw sa puntod nito.

Kaya noong Okt. 28, ikalawang taong anibersaryo ng pagkamatay ni Ramgen ay hindi na nakadalaw si Janelle sa sementeryo. Base sa kuwento ng dalaga maski raw magpaalam siyang dadalaw ay tiyak na hindi siya papayagan at maging ang magulang niya ay hindi na rin pabor na pumunta siya.

Nabanggit din ni Janelle na hindi lang pala iisa ang sex video nila ni Ramgen kundi marami pa at sa palagay niya ay hindi na raw ito ilalabas pa.

Samantala, dapat palayain na si Ramon Joseph Bautista na diumano’y itinuturong utak sa pagpatay kay Ramgen dahil naniniwala ang ama nitong si Mang Ramon na hindi ito magagawa ng anak bagay na hindi sinang-ayunan ni Janelle dahil alam daw nito ang totoo.

Nakakagulat ang tapang ni Janelle sa pagsasalita niyang ito sa telebisyon at hindi siya nahihiya o natatakot kung ano ang magiging resulta nito sa kanyang buhay.

Marami pang rebelasyon ang dalaga at isa lang ito sa mapapanood sa Showbiz Police tonight.

Read more...