Sikat na aktres, may-ari ng ini-endorso, nagkasamaan ng loob, anyare?

sikat na aktres, may-ari ng ini-endorso, nagkasamaan ng loob, anyare?

MUKHANG may “silent war” ang sikat na aktres at may-ari ng ini-endorso niyang produkto dahil hindi raw sila nagkikibuan mula nu’ng hindi pinagbigyan ng una ang may-ari ng produkto sa pabor na hiningi sa kanya.

Nakiusap daw kasi ang may-ari ng produkto sa aktres na baka puwedeng may kasama siya sa pictorial para sa promo ng ini-endorso nitong produkto bagay na hindi type ng huli dahil magkaiba naman sila ng ini-endorso.

Baka Bet Mo: Sharon idedemanda ang mga online seller na gumagamit sa pangalan at litrato niya para makabenta

Tila hindi na-gets ng may-ari ng produkto ang sagot ng sikat na aktres dahil itinuloy pa rin kaya naman ang sama ng loob ng huli sa may-ari ng produkto at nangako sa sarili na hindi na ito magiging aktibo sa promo ng ini-endorso niyang produkto.

“Hindi naman pupuwedeng hindi niya i-promote, kasama ‘yun sa kontratang pinirmahan niya ‘no or else made-demanda siya, “ chika ng aming source.

Sa kasalukuyan ay hindi raw nag-uusap ngayon ang may-ari ng produkto at ang sikat na aktres na hindi tulad dati na chikahan sila ng chikahan.

Sabi pa ng aming source, “magkakaayos din ‘yan, magkaibigan ‘yan, eh.”

Read more...