Pokwang excited rumampa sa Cannes Film Festival: ‘Matutupad na pangarap ko’

Pokwang excited rumampa sa Cannes Film Festival: ‘Matutupad na pangarap ko’

PHOTO: Instagram/@itspokwang27

IBANG level na ang comedienne-actress na si Pokwang!

May bonggang aabangan kasi sa kanya ngayong taon at ito ang upcoming drama short film na nakatakdang mag-premiere sa prestihyosong Cannes Film Festival sa darating na Mayo!

Ang exciting news ay ibinalita niya sa kanyang guest appearance sa Jovi Vargas TV noong February 29.

Hindi pa idinedetalye ni Pokwang ang tungkol sa kauna-unahan niyang international film, pero ayon sa kanya, isa itong dream come true.

“Attend ka doon sa red carpet, kita mo ‘yung mga Hollywood star. Isa rin ‘yon sa mga pangarap ko na matutupad,” proud na inanunsyo ng komedyana.

Baka Bet Mo: Pokwang tinawag na chaka, rumesbak: Ipakita mo muna mukha mong t*e!

Bukod sa short film, nabanggit din ng aktres ang bago niyang television series na hindi pa niya pwedeng i-reveal.

Sa kasalukuyan, tampok si Pokwang sa variety show na “TiktoClock” at sitcom na “Jose & Maria’s Bonggang Villa” na pinagbibidahan ng real-life couple na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Magugunita na ang huling movie project ni Pokwang ay ang Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na “Becky and Badette” kasama ang renowned comedienne-actress na si Eugene Domingo.

Nakakatuwa naman ang update na ito ni Pokwang dahil dumadami na ang Pinoy talents na gumagawa ng pangalan sa international industry.

Ang huli nating nabalitaan ay ang aktres na si Lovi Poe na busy sa taping ng upcoming Hollywood independent film na “Bad Man.”

Kamakailan lang din nang ipinalabas ang Hollywood debut ni Liza Soberano na “Lisa Frankenstein”, pati na rin ang pagdalo niya sa Screen Actors Guild (SAG) Awards noong February 25.

Ilan pa sa mga nakikilala na sa international scene ay ang mga batikang aktres na sina Ruby Ruiz at Dolly De Leon.

Read more...