MARAMI sa mga netizens lalo na sa mga supporters ng Kapamilya actress na si Janella Salvador na tila hindi siya tinutulungan ng Thai actor na si Win Metawin sa pagpo-promote ng kanilang movie na “Under Parallel Skies”.
Sa latest post ng aktres sa kanyang Instagram ay makikitang proud na proud itong ibandera na ang kanilang pelikula ang kauna-unahang Filipino film na magpi-premiere sa Hong Kong.
“More than thrilled to announce that our film, Under Parallel Skies, becomes the first Philippine cross-country film to have its world premiere in Hong Kong as one of the special events of the prestigious 17th Asian Film Awards (AFA),” saad ni Janella.
Pagpapatuloy niya, “The gala will happen on March 11 at APM in Kwun Tong. Following the gala, the film will have its Hong Kong premiere at the B+ cinema. Hope you’re ready to meet Iris and Parin!”
Mababasa naman sa comment section ang mga mensahe ng pagsuporta ng fans no Janella para sa bago nitong movie.
Meron ring mga komento na tila nagtataka kung bakit ang aktres lang ang madalas mag-promote ng pelikula sa kanyang social media pages.
Baka Bet Mo: Janella Salvador nawalan ng pasensya sa career: Laging hindi natutuloy ang project
Mukhang hindi nila nagustuhan ang ganitong eksena lalo na’t parehas na pinagbibidahan nina Janella at Win ang “Under Parallel Skies”.
Narito ang ilang komento mula sa IG post ng Kapamilya actress.
“waiiitttt bakit si Janella lang nagpopromote ng film? Curious lang,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “Bakit itong lalake walang promotion sa insta nya?”
May ilan naman na nagtanggol kay Win at sinabing puring-puri nito si Janella.
“May tour sila to promote the movie,” depensa ng faney ni Win.
Chika naman ng isa, “Marami po siyang interviews praising Janella and how easy it is to work with her.”
Samantala, naka-limit na ang pwedeng mag-comment sa post ng aktres.
Bukas naman ang BANDERA para sa paglilinaw ng kampo nina Janella at Win ukol sa mga napapansin ng netizens.