“HAPPY 12th birthday Connor. You are always in thoughts, in my dreams and forever in my heart. One day bubbah I will get to hold you again.. one day. I miss you and love you so much,”ito ang post ni Maggie Wilson, ang estranged wife ni Victor Consunji.
Matatandaang nasa ibang bansa pa rin ang dating beauty queen at hindi makabalik ng Pilipinas dahil may warrant of arrest siya na inisyu ng korte base sa kasong adultery na isinampa ni Victor at ang anak nilang si Connor ay nasa poder ng ama.
Pinost ni Maggie ang pinagsama-samang video ni Connor simula nu’ng ipinagbubuntis siya ng ina, kuha ng ultrasound hanggang sa maipanganak siya, happy moments nu’ng bata pa siya hanggang pag-laki.
Maraming netizens ang naantig ang puso sa pangungulila ng dating beauty queen bilang ina ni Connor na kung hindi kami nagkakamali ay mahigit dalawang taon na silang hindi nagkikitang mag-ina at kahit video calls ay ipinagbawal na rin ng ama ng bata.
Samantala, ang mga nabasa naming komento ay mula sa business partner ni Maggie at kasama niya sa ibang bansa na si Tim Connor.
Say ni Tim, “Nothing is forever except change (emoji heart).
Pinuri naman nng netizen na si jigsaw 1881 ang binate, “@iamtimconnor thanks for your unconditional love and support for Maggie (emojis 6 hearts). You’re the sweetest.”
Sinagot ito ni Tim, “we all go through bad times in life. It either makes a person or breaks them.
Sabi naman ng netizen na si @arnf31, “hats off for your unconditional love for Maggie. Time will give you opportunity to hold Connor. Look at Jackie Forster, when her sons reached their maturity they sought for their mother, no matter what.”
Opinyon naman ng netizen na si @Isarosros, “Can we run a petition so Maggie can see Connor again? This is so heartbreaking.”
Marami pa kaming nabasang komento na umabot sa 1,086.
Bukas ang BANDERA sa panig ni Victor o ng kampo niya tungkol sa post na ito ni Maggie.