Mariel sa ‘kissing’ video nina Regine, Robin: Ako na nag share…happy?

Mariel sa 'kissing' video nina Regine, Robin: Ako na nag share...happy?

PHOTO: Screengrab from Facebook/Mariel Rodriguez Padilla

BUMENTA sa maraming netizens ang pagpatol ni Mariel Rodriguez-Padilla sa isang video na nagva-viral recently.

Ito ‘yung lumang video ng kanyang mister na si Sen. Robin Padilla at Asia’s Songbird na si Regine Velasquez na naghalikan sa stage sa harap ng kanilang fans.

Ayon kay Mariel, shinare na niya ‘yung video dahil sa dami ng mga nagta-tag sa kanya.

Nakuha pa nga niyang i-tag ang batikang singer at mister ni Regine na si Ogie Alcasid.

Ang daming nag tag sakin [laughing emoji] mas madami pa nag-tag sakin dito kesa sa iv drip. Oh ayan masaya na kayo? Ako na nag share… happy? Happy na ba lahat? [zany face emojis],” caption niya.

Wika pa niya, “Tag ko na din si kuya Ogie Alcasid kasi dalawa kami tag niyo. YEHEY!!!! [laughing face emojis]”

Baka Bet Mo: Sey ni Mariel matapos ma-isyu: ‘In my heart wala akong tinapakang tao’

PHOTO: Screengrab from Facebook/Mariel Rodriguez Padilla

As of this writing, ang shared post ni Mariel ay umaani na ng mahigit 110,000 laugh reacts sa Facebook.

Mababasa rin sa comment section na tawang-tawa sa kanyang reaksyon ang maraming netizens.

Narito ang mga nabasa namin:

“Okay lang ‘yan, you are so beautiful inside and out,, and you are the winner [trophy emojis].”

“Hahaha nako po [laughing face emojis]”

“Hahaha my Lord.. At least ikaw ang queen.. Yaan mo mga ‘yan.. Enjoy life at higit sa lahat.. Mga anak… diyan sila… God bless you more ma’am…[folded hands emojis]”

“Sana masaya na ang lahat idol [laughing face emoji]”

“Astig ka talaga madam [laughing face emojis]”

“Ang kulit mo ma’am Mariel HAHAHAHAHA [laughing face emojis]”

Kamakailan lang, naging usap-usapan sa social media ang TV host-actress dahil hindi nagustuhan ng madlang netizens ang ginawa niyang “drip session” sa loob ng Senado.

Sa exclusive interview ng BANDERA, ipinagtanggol ni Mariel ang sarili sa naging isyu.

Sey niya, “In my heart, wala akong tinapakan na kahit sinong tao. Kung may na-offend, sorry, pero walang intention na maka-offend.”

Humingi na rin ng sorry ang kanyang mister na si Sen. Robin at tiniyak na hindi na mauulit ang nangyari.

Read more...