Fumiya Sankai gusto nang manirahan sa Pinas; Yamyam Gucong happy daddy

Fumiya Sankai gusto nang manirahan sa Pinas; Yamyam Gucong happy daddy

Fumiya Sankai at Yamyam Gucong

MAKALIPAS ang mahigit dalawang taon, reunited uli ang magkaibigan at former “Pinoy Big Brother” housemates na sina Fumiya Sankai at Yamyam Gucong.

Huli silang nagkasama noong 2022 pero ayon sa FumiYam, kahit matagal silang hindi nagkita, never silang nawalan ng komunikasyon.

“Kahit malayo kami sa isa’t isa kasi pandemic, nagkaroon ng (closed) borders. Siya pinauwi sa Japan. It’s difficult for us kasi nasanay kaming dalawa na parang palagi kaming together na nagtatrabaho.


“Nasanay kami sa isa’t isa na sandigan ko dito kaisa ko yung pamilya ko nasa probinsya, siya nasa Japan,” ani Yamyam sa interview ng Push Bets.

Baka Bet Mo: Ex-PBB housemate Fumiya Sankai napagkamalang beki: I respect LGBTQ, pero I’m very, very straight!

Pagpapatuloy pa ng “PBB Otso” Big Winner, “That time na naghiwalay kami, nagchachat kami. Minemaintain yung ano naman, ‘Oy kumusta ka na?’ and then suddenly nga nakaanak ako so ininvite ko siya na, ‘Gusto mo bang maging ninong sa anak ko?’ Sabi niya, ‘What is ninong?’”

Hindi man aware si Fumiya sa konsepto ng pagiging ninong, nag-yes daw agad siya sa kanyang Pinoy BFF.

“Gusto ko i-connect kita, hindi lang para sa akin, pati sa aking pamilya kasi ganoon kaming mga Pinoy,” sey naman ni Yamyam.

“Habang tumatagal, lalong tumitibay yung friendship namin. First time in my life I’m experiencing this kind of friendship. Very interesting,” dugtong pa ng Kapamilya comedian.

Samantala, ibinalita rin ni Yamyam na magkasama sila ngayon ni Fumiya sa isang bahay dito sa Manila.


“Magkasama kami ngayon sa isang bahay. Sa isang araw na iyon nag-uusap lang kami buong araw. Napabilib ako kasi our soul daw we have different dimension but our soul daw ay best friend already sa ibang dimension,” aniya pa.

Baka Bet Mo: Yamyam Gucong, Fumiya Sankai muling nagkita makalipas ang halos 3 taon; bumalik sa PBB house

Sa tanong kay Fumiya kung bakit tinawag silang spiritual brothers ni Yamyam, “The people called us spiritual brothers before pero that time nag-ano ako ‘Oh yes spiritual brothers, okay.’

“I’m thinking like that pero now, our friendship is not only as friends, not just family, not just brothers, deep talaga,” sey ng Japanese vlogger.

“During the pandemic, we never met each other. Three months ago, I moved here (Philippines) and then at that time we finally talked to each other very deeply like before. We haven’t talked to each other like for two years pero parang it is still natural,” dagdag niya.

Balak na rin daw ni Fumiya na manirahan dito sa Pilipinas, “I’m planning to stay here kasi pusong Pinoy. Mas masaya dito.”

Nagbahagi naman si Yamyam tungkol sa pagiging tatay sa nasabing panayam, “After Pinoy Big Brother, nagpatayo ako ng bake shop. Na-survive ko yun kasi ako may asawa na, may pamilya na, so yun yung pinanghuhugutan ko ng lakas.”

“Napakasayang maging ama talaga. Ang saya. For example, galing ka sa mabigat na work, sobrang pagod mo sa work tapos nakita mo yung son mo or yung daughter mo na nakatingin sa ’yo, kahit you have tired eyes and she’s smiling, nawala talaga yung pagod. Totoo talaga,” sey pa ni Yamyam.

Read more...