Liza pak na pak sa pagrampa sa SAG Awards: ‘Nakakaiyak ang ganda!’

Liza pak na pak sa pagrampa sa SAG Awards: 'Nakakaiyak ang ganda!'

PHOTO: Instagram/@lizasoberano

MATAPOS bumida sa first-ever Hollywood film na “Lisa Frankenstein,” rumampa naman ang aktres na si Liza Soberano sa kauna-unahan niyang Screen Actors Guild (SAG) Awards!

Para sa kaalaman ng marami, ang SAG Awards ang isa sa pinakamalaki at prestihiyosong award-giving body sa Hollywood film industry.

Sa Instagram, proud na ibinandera ni Liza ang kanyang stunning look bago rumampa sa nasabing event.

Ang kanyang suot ay isang two-toned gown na mula sa Pre-Fall 2024 creation ng fashion designer na si Pamella Roland.

“My first @sagawards! Thanks for having me @instagram [heart emoji]” masayang caption ng actress kalakip ang pictures na ipinapakita ang simple but elegant niyang gown.

Baka Bet Mo: Liza Soberano minumulto ng yumaong young actor na si AJ Perez?

Sa pamamagitan naman ng Instagram Stories ni Liza ay ibinida niya ang ilang special moments and experiences sa loob ng venue.

Naging seatmate pa nga niya ang American comedian and actress na si Sherry Cola, pati ang American actress na si Auli’i Cravalho na nagbigay-buhay sa karakter ng Disney Princess na si Moana at recently lang ay tampok sa bagong movie na “Mean Girls.”

PHOTO: Instagram Stories/@lizasoberano

Ibinahagi rin ng Pinay actress ang ilang clips kung saan nagsasalita sa stage ang ilang bigating Hollywood stars kabilang na sina Meryl Streep, Anne Hathaway, Emily Blunt, Margot Robbie at America Ferrera.

PHOTO: Instagram Stories/@lizasoberano

Bukod diyan, tila naging head-turner din si Liza nang mapili siya na maging parte ng glambot coverage ng “E! Entertainment.”

Caption sa post, “Shake that Laffy Taffy (Lisa Frankenstein’s Version) [sparkling pink heart emoji].”

Maraming fans at netizens naman ang super proud kay Liza dahil ayan na nga at unti-unti na niyang natutupad ang pangarap na maging isang Hollywood star.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“She’s living THE hollywood dream [red heart emoji]”

“Congrats Hopie on your first ever #SAGAwards [folded hands emoji]”

“Waaahhh nakakaiyak ang ganda!”

“That’s awesome! Was watching to see if I could spot you in the audience. Anyways… Congrats @lizasoberano. You’re living your dream [sparkling, heart emojis].”

“So gorgeous you slay Hollywood star [sparkling emoji]”

“So happy & proud of you hopie [sparkling heart, star emojis] God bless you more [folded hands emoji]”

Kamakailan lang, ibinunyag ni Liza sa isang panayam na ang inspirasyon niya sa paggawa ng pangalan sa Hollywood ay ang award-winning actress na si Dolly De Leon.

“I was inspired by people like you who are constantly pushing the envelope, striving for greatness in everything that you do, and I wanted that for myself too. Here we are now, Ms. Dolly,” sey ng dalaga.

Inamin din ni Liza na marami siyang hinarap na pagsubok sa nakalipas na dalawang taon, pero ito rin daw ay napawi at naging “worth it” nang napanood na niya ang trailer ng kanyang first Hollywood film na “Lisa Frankenstein.”

Read more...