NAKATAKDANG gumawa ng kasaysayan ang Pinay pop icon na si Sarah Geronimo!
Siya kasi ang kauna-unahang Pilipino na mabibigyan ng parangal ng “Global Force Award” sa Billboard’s Women in Music mula nang magsimula ito noong 2007.
Ang good news na ‘yan ay ibinandera mismo ng Billboard sa social media pages.
Ayon sa American entertainment and music magazine, kabilang si Sarah sa mga listahan ng honorees kasama ang Italian singer-songwriter na si Annalisa at Brazilian singer-songwriter na si Luisa Sonza na makakatanggap ng parehong award.
Sa pamamagitan ng X (dating Twitter), nagpahayag ng pasasalamat ang OPM superstar sa award-giving body.
Baka Bet Mo: Kathryn Bernardo kinilala sa Seoul International Drama Awards, wagi ng ‘Outstanding Asian Star’
Ayon sa kanya, iniaalay niya ang nakuhang award sa bawat Filipino artists na patuloy na nangangarap.
“Honored and grateful to be one of the recipients of Billboard’s Global Force Award,” caption niya.
Wika niya, “This recognition belongs to every dreamer and amazing Filipino artist we have.”
“Mabuhay ang OPM! Mabuhay ang Pilipinas! Maraming salamat, Billboard PH!” lahad pa niya sa post.
Honored and grateful to be one of the recipients of Billboard’s Global Force Award. This recognition belongs to every dreamer and amazing Filipino artist we have. Mabuhay ang OPM! Mabuhay ang Pilipinas! Maraming salamat, Billboard PH!! 🇵🇭 https://t.co/MNPyQCJ6WG
— Sarah Geronimo (@JustSarahG) February 24, 2024
Narito ang iba pang international music artists na paparangalan sa Global Force Award:
Woman of the Year
Karol G
Powerhouse
Charli XCX
Hitmaker
Ice Spice
Icon
Kylie Minogue
Visionary
Maren Morris
Group of the Year
K-pop girl group New Jeans
Producer of the Year
Pink Pantheress
Breakthrough
Tems
Rising Star
Victoria Monet
Impact Award
Young Miko
Sa paglipas ng taon, si Sarah ay kinilala sa iba’t-ibang international award-giving bodies.
Kabilang na riyan ang Awit Awards, Mnet Asian Music Award, MTV Europe Music Award, World Music Award, Classic Rock Roll of Honour Award, at marami pang iba.
Maliban pa sa kanyang matagumpay na music career, bumida rin siya sa ilang hit movies kagaya ng “Bituing Walang Ningning,” “A Very Special Love” at “Miss Granny.”
Si Sarah ay nakatakdang lumipad patungong Los Angeles, California sa darating na March 6 upang personal na tanggapin ang kanyang award.
Ang awarding ceremony ay mangyayari sa YouTube Theater at ito ay pwedeng mapanood sa website ng Billboard kinabukasan matapos ang awards show.